Parody ng pinakaaabangang confrontation scene sa 'The Broken Marriage Vow', viral

Parody ng pinakaaabangang confrontation scene sa 'The Broken Marriage Vow', viral

- Kinagiliwan ng marami ang parody ng confrontation scene sa 'The Broken Marriage Vow'

- Ipinalabas agad ito ng content creator na si Christian Antolin ilang araw matapos na isa-ere ang mainit na eksena sa TBMV

- Aliw na aliw ang mga netizens sa eksenang ipinalit ni Christian na tugmang-tugma pa rin sa batuhan ng linya sa serye

- Isa si Christian Antolin sa mga nagbigay saya sa atin mula nang mag-pandemya dahil sa kanyang mga videos na naibabahagi rin niya sa TikTok

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Viral ngayon ang parody ng confrontation scene ng 'The Broken Marriage Vow'.

Parody ng pinakaaabangang confrontation scene sa 'The Broken Marriage Vow', viral
Photo from Christian Antolin
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na talagang agaw-eksena online ang nakakaaliw na pagganap ng content creator na si Christian Antolin bilang si Dr. Jill na orihinal na ginampanan ni Jodi Sta. Maria sa nasabing serye.

Read also

Post ni Director Mandy Reyes kasama si Daniel Padilla katabi ng flyer ni VP Leni, viral

Kamakailan, isina-ere na ang maiinit na eksena ng harapan ng mga karakter nina Zanjoe Marudo bilang David Ilustre, Sue Ramirez bilang si Lexy Lucero, Rachel Alejandro at Arthur Acuña bilang sina Fred at Nathalia Lucero at si Jodi bilang si Dra. Jill Ilustre.

Sa orihinal na eksena, isiniwalat na ni Dra. Jill ang relasyon ng asawa niyang si David at ang anak nina Fred at Nathalia na si Lexy.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngunit sa naturang parody, ang pagsisiwalat ng pagtatalpak nina David at Lexy ang inikutan ng kwento kung saan si Christian na ang ipinalit na kausap nang lahat at hindi si Jodi.

Aliw na aliw ang ma netizens sa husay ni Christian gayundin ng pagkaka-edit ng video na animo'y siya nga talaga ang naroon.

Sa loob lamang ng isang 24 oras, nasa 7.5 million na ang views ng nakaaaliw na video.

Read also

Mirror selfie ni Sue Ramirez bago ang matinding eksena sa TBMV, kinagiliwan online

Si Christian Antolin ay isang komedyante at content creator na unang nakilala sa paggawa ng mga TikTok videos. Madalas na parody ang kanyang ginagawang content na labis na kinagigiliwan ng netizens.

Samantala, usap-usapan din ngayon ang mga kaabang-abang na eksena sa teleserye ng ABS-CBN na The Broken Marriage Vow.

Ito ay ang Philippine adaptation ng 'Doctor Foster' at ng "A world of Married Couple". Kamakailan, viral din ang mirror selfie ni Sue Ramirez bago umano niya batukan si Jodi Sta. Maria sa isa sa mga maiinit na eksena sa serye.

Umpisa pa lang ng pagsasa-ere nito, umani na ng papuri ang Pinoy Drama sa husay ng mga dekalidad na artista na bahagi ng kanilang programa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel