Jodi Sta. Maria at Ketchup Eusebio, aminadong nagkailangan sa love scene nila sa TBMV

Jodi Sta. Maria at Ketchup Eusebio, aminadong nagkailangan sa love scene nila sa TBMV

- Aminadong nagkailangan sina Jodi Sta. Maria at Ketchup Eusebio sa love scene nila sa The Broken Marriage Vow

- Naikwento ni Jodi na kumpare niya si Ketchup ang ninang siya ng isa sa mga na anak nito

- Sinabi naman ni Ketchup na natatawa raw talaga sila ni Jodi nang kukunan ang eksena

- Gayunpaman, nabigyang hustisya nila ito at pinatunayan kung gaano sila kahuhusay na mga artista

Nagkailangan sina Jodi Sta. Maria at Ketchup Eusebio nang gawin nila ang isa sa mga controversial scenes ng 'The Broken Marriage Vow.'

Jodi Sta. Maria at Ketchup Eusebio, aminadong nagkailangan sa love scene nila sa TBMV
Jodi Sta. Maria (@jodistamaria)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ang kanilang tinutukoy ay ang love scene kung saan ang karakter ni Jodi bilang si Dr. Jill Ilustre ay nagawang akitin ang karakter ni Ketchup na si Charlie Manansala para lamang sa impormasyong kailangan patungkol naman sa karakter ni Zanjoe Marudo na si David Ilustre.

Read also

Sue Ramirez, inaming fan ni Jodi Sta. Maria; nag-sorry sa aktres sa "batok scene"

Natatawang ikinuwento ng dalawa kung paano nila nabigyang hustisya ang eksena kahit 'natatawa' sila bago ito kunan.

"Kabadong-kabado kami sa scene na 'yon. Magkumpare po talaga kami, inaanak ko 'yung anak niya. Ta's sabi ko Tito Ketch, pa'no ba natin gagawin 'to?" ani Jodi.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Natatawa kami actually kapag ginagawa ta's sinasabi na 'uy sumeryoso kayo kasi pagna-sosolo kami sa room tapos ng eksena nagkakatinginan kami tapos Napapganun na lang po kami," natatawang kwento ni Ketchup.

Gayunpaman, pinasalamatan nila ang isa't isa gayung napadali pa rin naman nila ang paggawa ng naturang eksena.

Narito ang kabuuan ng panayam ni MJ Felipe sa buong cast ng The Broken Marriage Vow na ibinahagi ng Kapamilya Kingdom:

Si Jodi Sta. Maria ay isa sa mga iconic actresses sa Pilipinas. Mas nakilala siya bilang si "Maya" sa 'Please Be Careful With My Heart.' Siya ay nabiyayaan ng isang anak na lalaki na si Thirdy.

Read also

Jodi Sta. Maria, nilinaw na wala siyang wig sa TBMV; "Buhok ko 'yun!"

Sa ngayon, pinakaaabangan pa rin gabi-gabi ang teleserye niyang 'The Broken Marriage Vow' kasama sina Zanjoe Marudo at Sue Ramirez.

Kamakailan ay naging usap-usapan ang pagganap ni Jodi sa episode kung saan kahit walang sinasabing linya ay kitang-kita ang emosyon at husay niya bilang aktres.

At ngayong magtatapos na ang serye sa loob ng dalawang linggo, umani ng papuri ang bawat artistang gumanap sa kanilang proyekto na talaga namang kinakitaan ng husay sa kanilang pagganap. Gayundin ang mga direktor at bumubuo ng buong produksyon sa paglikha ng isang napakagandang obra.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel