Lalaki sa viral na video sa Baguio market, pinabulaanang sinigawan si Jillian Robredo

Lalaki sa viral na video sa Baguio market, pinabulaanang sinigawan si Jillian Robredo

- Naglabas ng video ang lalaking sangkot sa viral na video sa Baguio market para linawin umano ang nangyari

- Aniya, hindi niya sinigawan si Jillian at ang nakaharap lamang umano niya ay ang isa sa supporter ni VP Leni

- Nagmamadali umano siya noong mga oras na iyon at nahaharangan umano ang daanan

- Iginiit niyang hindi tama ang lugar na iyon para sa ginawa nilang pangangampanya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nilinaw ng lalaking nakuhanang sumisigaw sa viral na video sa Baguio market na hindi siya humihingi ng tawad sa nangyari dahil wala umano siyang dapat ihingi ng tawad. Umalma siya sa lumabas na balita na sinigawan niya umano ang anak ni VP Leni Robredo.

Lalaki sa viral na video sa Baguio market, pinabulaanang sinigawan si Jillian Robredo
Photo: Jillian Robredo (@jillrobredo)
Source: Instagram

Matapos ang paglabas ng mga videos sa pangyayari sa Baguio market, mismong si Mayor Benjie Magalong ay humingi ng dispensa.

Read also

Zeinab Harake, hindi napigilan ang emosyon sa pinakabagong vlog

Sa video na nilabas ng Facebook user na Cliff Lewis nilinaw niyang hindi umano totoo ang lumabas na balita. Aniya, nagmamadali siya noong mga oras na iyon kaya nakiraan siya.

Dipensa pa niya, hindi daw nirespeto ng mga ito ang market dahil sinasarahan ng mga ito ang mga paninda.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Wala din umanong nagturo sa kanya at wala siyang kodigo.

Hindi niya daw nakaharap ang anak ni VP Leni at tanging ang supporter lang nito ang kanyang nakaharap kaya hindi totoong sinigawan niya si Jillian Robredo.

Hiniling niya rin na tanggalin ang nilabas na balita dahil inedit daw ang video na nilabas sa balita.

Eto po yung sagot ko sa nangyari kahapon sa issue na #SinigawansiJillianRobredosaBaguioCity . Huwag po kayong mang husga,panoorin niyo po yung buong nangyari o mag tanung po kayo sa Public Market

Read also

Andrea Brillantes, naniniwalang makukumbinsi rin si Ricci Rivero na maging 'Kakampink'

Samantala, sinabi ni Jillian sa isang tweet na tuloy pa rin ang kanilang house to house matapos ang insidente.

“Tuloy-tuloy lang po ang H2H at palengke runs. Puso sa puso. Last 12 days. Focus tayo."

Si Jillian Robredo ang bunsong anak ni Vice President Leni Robredo. Mayroon siyang dalawang nakatatandang kapatid na sina Aika at Patricia Robredo. Nagtapos si Jillian sa Philippine Science High School at kasalukuyang nag-aaral sa isang unibersidad sa ibang bansa at isang iskolar.

Matatandaang kinondena ng Robredo People’s Council (RPC) ang nangyari habang nangangampanya si Jillian sa Baguio market.

Humingi naman ng dispensa si Mayor Benjie Magalong kay Jillian kaugnay sa naganap na kaguluhan.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate