Love story ng vlogger mula sa Poland at isang Badjao, viral

Love story ng vlogger mula sa Poland at isang Badjao, viral

- Viral ngayon ang love story ng isang Polish vlogger na nainlab sa isang Badjao

- Hindi pa man naipalalabas ang kabuuan ng kanilang love story sa KMJS ay marami nang humanga sa kanila

- Ayon sa babae, marami man ang nagsasabing pera lang ang habol niya sa vlogger, mabilis niya itong pinabulaanan

- Kahit pa umano wala na itong pera, mamahalin pa rin daw niya ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami ang namangha sa love story nina Damien at Aico na naibahagi sa isang post ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Love story ng vlogger mula sa Poland at isang Badjao, viral
Love story ng vlogger mula sa Poland at isang Badjao, viral (Photo: Kapuso Mo, Jessica Soho)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na bago pa man maipalabas ang kabuuan ng kanilang love story sa nasabing programa ay nag-viral na ang post dahil sa kakaibang love story nila.

Isang Polish vlogger si Damien na nagtungo sa Bohol kung saan niya nakilala si Aico.

Read also

Mariel at Robin Padilla, nagpa-party para sa ika-86 na kaarawan ng kanilang Mama Eva

While I was vlogging, this girl appeared. That was the first time I saw Aico.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

I just felt like I wanted to stay there for good.
I just wanted to have a conversation with her because I felt a strong connection with her.
Who would’ve thought that I’d find a family here?

Samantala, maging si Aico ay tila na-love at first sight noon kay Damien. Aniya, pinuna niya agad ang height nito na binalikan naman siya ng pagsasabing gusto ni Damien ang ganda ng kanyang mga bata.

Gayunpaman, hindi maiiwasang mahusgahan ang kanilang relasyon at may mga nagsasabing pera lamang ang habol ni Aico kay Damien.

"Sa mata ng iba, sasabihin na gold digger ako. Pera lang daw habol ko kay Damien. Pero hindi naman kayang bilhin ng pera ang pagmamahal. Kahit wala siyang pera, mamahalin ko pa rin siya."

Read also

Ruffa Gutierrez, pumalag sa mga isyu na binabato sa kanya ng mga Marites

Narito ang kabuuan ng post:

Isa ang programa ng batikang broadcast journalist sa Pilipinas na si Jessica Soho sa mga pinakaaabangan ng mga Pinoy tuwing sasapit ang araw ng linggo.

Bukod sa mga nakamamanghang mga kwento na kanyang naibabahagi, kapupulutan din ng aral ang mga ito kaya naman buong pamilya ang maaring manood ng kanyang programa.

Isa rin sa mga naitampok sa naturang programa ang buwis-buhay na pangunguha ng kawayan ng isang bulag na ginagawa niyang alkansya para mailako.

Tinutukan din ng marami ang kwento ng magsasakang nakatira sa bundok at nag-aararo ng walang kalabaw.

Isang vlogger ang nagpanggap na pulubi at humingi ng maiinom na tubig sa magsasaka ngunit higit pa sa tubig ang naibigay nito dahil sinamahan pa niya ito ng kanin at tuyo.

Dahil dito, naisipan naman ng vlogger na bukod sa tulong pinansyal, binigyan din niya ito ng kalabaw.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica