Mariel at Robin Padilla, nagpa-party para sa ika-86 na kaarawan ng kanilang Mama Eva

Mariel at Robin Padilla, nagpa-party para sa ika-86 na kaarawan ng kanilang Mama Eva

- Ibinahagi ni Mariel Padilla ang kanilang naging pagdiriwang para sa kaarawan ng ina ng kanyang mister

- Gayunpaman, dahil sa paniniwala ng kanilang Mama Eva, hindi umano kaarawan niya ang pinagdiwang nila kung pagpapasalamat lamang

- Idinaos ang kanilang pagdiriwang sa Museo de Padilla na pagmamay-ari ng mag-asawa at kadalasang pinagdadausan ng kanilang mga okasyong pampamilya

- Hindi naman nakadalo si Kylie sa mismong araw ng pagdiriwang ngunit nakapunta siya sa kanilang family dinner

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isang party ang inihanda ng mag-asawang Mariel at Robin Padilla para sa ika-86 na kaarawan ng kanilang Mama Eva. Nagdaos sila ng thanksgiving party na ginanap sa Museo de Padilla.

Mariel at Robin Padilla, nagpa-party para sa ika-86 na kaarawan ng kanilang Mama Eva
Photo from Mariel Padilla (@marieltpadilla)
Source: Instagram

Bago ang kanilang party ay nagkaroon sila ng family dinner kung saan nakadalo sina Kylie Padilla at ang kanyang mga anak. Ayon kay Mariel, hindi na nakadalo si Kylie sa kanilang pagdiriwang dahil may taping ito kinabukasan.

Read also

Pag-indak ni VP Leni Robredo ng Mangyan traditional dance, viral

Ibinahagi ni Mariel na kadalasan ay nakauspo lang sa isang sulok silang mag-asawa at nag-uusap kahit sila ang nagpapa-party. Biro pa ni Robin, nagtatanungan umano sila kung magkano ang kanilang nagastos.

Ayon kay Mariel, masaya siya sa kanilang pagsasama-samang magpapamilya:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Super happy and overwhelmed ako for this vlog!!! Mama Eva’s party was such a success!!!!!!! Alam niyo naman how important my family is to me, so to see how happy and satisfied Mama Eva was with the event and having almost everyone in the family there to celebrate with her makes me emotional. I’m super happy na the kids and Robin also had a lot of fun, especially since this is Gab’s first party EVER.

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India.

Read also

Andi Eigenmann, pinakita ang pinapatayong shop nila sa Siargao

Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

Kinabiliban ang mag-asawa dahil sa magandang pakikitungo nila sa kanilang mga kasambahay. Sa katunayan ay pinagawaan pa nila ito ng libreng pabahay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel