Ruffa Gutierrez, pumalag sa mga isyu na binabato sa kanya ng mga Marites

Ruffa Gutierrez, pumalag sa mga isyu na binabato sa kanya ng mga Marites

- Hindi na nakapagtimpi si Ruffa Gutierrez at nagsalita na ito kaugnay sa mga isyung pinupukol sa kanya ng aniya'y mga Marites

- Isa-isa niyang pinabulaanan ang mga kumakalat na haka-haka tungkol sa kanya kagaya na lamang ng isyung buntis siya

- Nilinaw niya rin na hindi siya umamin tungkol sa umano'y pagkakaroon niya ng boyfriend

- Gayunpaman, aniya ang totoo ay iboboto niya si Herbert Bautista dahil aniya, no. 1 ito sa puso ng lahat

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang Instagram post, minabuti ni Ruffa Gutierrez na pabulaanan ang mga kumakalat na haka-haka tungkol sa kanya. Aniya, walang katotohanan ang mga ito.

Ruffa Gutierrez, pumalag sa mga isyu na binabato sa kanya ng mga Marites
Ruffa Gutierrez (Photo from Suhaimi Abdullah / Stringe)
Source: Getty Images

Kabilang sa kanyang pinabulaanan ay ang balitang buntis siya at nakunan. hindi din umano totoong kinasal siya. Aniya, di din siya umamin na may boyfriend siya:

Good afternoon to the Titas and Titos who have made me a favorite topic at parties and dinner tables. After the 75th call from a Marites, let me set the record straight.

Read also

Delivery rider, aminadong naiyak sa prank ng isang customer noong April Fools' Day

* I am not pregnant with twins.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

* I never got married.
* I did not have a miscarriage.
* I did not admit to having a boyfriend.

Gayunpaman, aniya ang totoo ay iboboto niya si Herbert Bautista dahil aniya, no. 1 ito sa puso ng lahat.

The only REAL NEWS is:
#8 sa Senado ang iboboto ko dahil #1 siya sa puso... natin lahat!

Matatandaang naging maugong ang usap-usapan kaugnay sa umano'y namumuong pagtitinginan nila nang ihayag ni Ruffa ang kanyang pagsuporta sa kandidatura ni Herbert.

Matatandaang nagkasama sina Ruffa at Herbert sa serye ng ABS-CBN na House Arrest of Us kung saan nakasama nila sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Para naman sa ina ni Ruffa na si Annabelle Rama, magandang impluwensiya si Herbert kay Ruffa dahil ito umano ang nagsabi kay Ruffa na dapat tapusin niya ang college.

Read also

Alex Gonzaga, nakipagkulitan sa vlogger na si Small Laude

Si Ruffa Gutierrez ang panganay na anak nina Anabelle Rama at Eddie Gutierrez. Isa siyang dating beauty queen. Isa sa kanyang kapatid ay ang Kapamilya actor na si Richard Gutierrez na kinasal kamakailan kay Sarah Lahbati.

Kamakailan ay emosyonal na inihatid ni Ruffa ang anak niyang si Lorin Bektas sa isang university sa US.

Hindi rin niya napigilang mag-alala sa kalusugan ng kanyang amang si Eddie Gutierrez.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel