Biyudo, na-inlab at pinakasalan ang kakambal ng kanyang yumaong asawa

Biyudo, na-inlab at pinakasalan ang kakambal ng kanyang yumaong asawa

- Muling ikinasal ang isang biyudo sa identical twin ng kanyang yumaong asawa

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Hindi raw inaasahan ng kakambal na mahuhulog din ang kanyang loob sa lalaking pinakasalan ng yumao niyang kapatid

- Mataas umano ang respeto niya sa relasyon ng dalawa at una lamang niyang nakausap ng masinsinan ang lalaki sa kasal nito sa kanyang kakambal

- Nabiyayaan na rin sila ng sarili nilang anak habang ang mga pamangkin naman kakabal ay mommy na rin talaga ang tawag sa kanya lalo na at malaki talaga ang pagkakahawig nila

Naging usap-usapan ang kwentong naibahagi ng Kapuso Mo, Jessica Soho kung saan ang biyudong si Niño Abraham ay ikinasal muli sa babaeng kamukhang-kamukha ng kanyang yumaong misis na si Beth.

Nalaman ng KAMI na ang babaeng kamuha ng namayapa nang asawa ni Niño ay kakambal pala nito na si Liza.

Read also

Jackie Lou Blanco, inaming bukas sa posibilidad ng pakikipagbalikan kay Ricky Davao

Biyudo, na-inlab at pinakasalan ang kakambal ng kanyang yumaong asawa
Sina Niño at Beth (Photo from Niño Abraham/ KMJS)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kapwa guro ni Niño si Liza at nang yumao nga ang kapatid nito dahil sa sakit na Lupus, si Liza ang umagapay kay Niño.

Aminado si Liza na hindi naman niya type si Niño. Malaki rin ang respeto niya sa relasyon nito sa kapatid at una lamang niyang nakausap ang lalaki sa kasal nito noon sa yumao niyang kakambal.

Wala namang naging hadlang sa kanilang pag-iibigan at maging ang kani-kanilang mga pamilya ay suportado naman ang kanilang relasyon.

Hanggang sa ikasal nga sina Niño at Liza at mabiyayaan sila ng sarili nilang supling.

Magaan din ito sa mga anak nina Beth at Niño gayung 'Mommy' na rin ang tawag kay Liza.

Narito ang kabuuan ng kanilang kakaiba ngunit nakamamanghang kwento:

Isa ang programa ng batikang broadcast journalist sa Pilipinas na si Jessica Soho sa mga pinakaaabangan ng mga Pinoy tuwing sasapit ang araw ng linggo.

Read also

Carlo Aquino, nagbahagi ng isang madamdaming song cover

Bukod sa mga nakamamanghang mga kwento na kanyang naibabahagi, kapupulutan din ng aral ang mga ito kaya naman buong pamilya ang maaring manood ng kanyang programa.

Isa rin sa mga naitampok sa naturang programa ang buwis-buhay na pangunguha ng kawayan ng isang bulag na ginagawa niyang alkansya para mailako.

Tinutukan din ng marami ang kwento ng magsasakang nakatira sa bundok at nag-aararo ng walang kalabaw.

Isang vlogger ang nagpanggap na pulubi at humingi ng maiinom na tubig sa magsasaka ngunit higit pa sa tubig ang naibigay nito dahil sinamahan pa niya ito ng kanin at tuyo.

Dahil dito, naisipan naman ng vlogger na bukod sa tulong pinansyal, binigyan din niya ito ng kalabaw.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel