Misis ng mister na umano'y "sumakabilang bahay," binenta ang gamit ng asawa

Misis ng mister na umano'y "sumakabilang bahay," binenta ang gamit ng asawa

- Kinaaliwan ang isang live selling ng isang misis na ayon sa kanya ay niloko ng kanyang mister

- Dahil business minded umano siya, binenta niya ang gamit ng kanyang asawang aniya'y "sumakabilang bahay"

- Habang nagbebenta ay panay din ang hugot ng live seller at may pa shout out pa ito sa kanyang asawa

- Ilang araw matapos ang kanyang live selling, tumabo sa libo-libo ang views ng kanyang Fscebook live video

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Imbes na maglabas ng kanyang galit sa umano'y pagsasakabilang bahay ng kanyang mister, minabuti ng isang misis na live seller na ibenta ang mga gamit ng kanyang asawa. Bentang-benta sa netizens ang mga hugot ng live seller habang nagbebenta.

Misis ng mister na umano'y "sumakabilang bahay," binenta ang gamit ng asawa
Jamille Margarita Galvez
Source: Facebook

Marami sa gamit na kanyang binenta ay mga branded kaya umabot din sa libo ang mga bidding price ng mga damit at sapatos.

Read also

Mariel Padilla, tuloy-tuloy ang pamimigay ng bisekleta sa netizens

Nagbigay din ng payo si Jamille Margarita Galvez sa mga kagaya niyang umano'y niloko ng asawa. Aniya, dapat ay hanapin na ng mga misis na kagaya niya ang mga naiwang gamit ng kanilang mister at ibenta na rin kagaya sa kanyang ginawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa pagpasok ng pandemya, lalong naging aktibo ang mga Pinoy sa social media. Bukod sa mga lockdown at quarantine restrictions, lalong naging aktibo sa internet at social media ang mga tao. Kaya naman, mas mabilis na rin ang paglaganap ng mga balita. Kadalasan ay nagiging viral ang mga balitang pumupukaw sa interes ng karamihan.

Isa sa sumikat din sa kanyang pag-live selling ay si Madam Inutz. Lalong dumami ang kanyang tagasubaybay matapos mag-viral ang kanyang mga video sa social media kabilang na ang pagbenta niya ng aniya'y damit na pamburol. Sa kabila ng mga libo-libong viewers ay walang bumibili sa kanyang mga paninda. Kinalaunan, ito naman ang naging daan para sa mas makilala siya at nagbukas ng magagandang opportunidad para sa kanya.

Matatandaang nauna na siyang pumirma ng kontrata sa isang talent agency. Gayunpaman, marami sa kanyang mga tagasuporta ang hindi nagustuhan ang kanyang desisyon at umalma. Kaya naman nakapagpasya siyang huwag nang ituloy ang pagpapa-manage sa nasabing agency at napili niya si Wilbert Tolentino bilang maging manager niya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel