Mariel Padilla, tuloy-tuloy ang pamimigay ng bisekleta sa netizens

Mariel Padilla, tuloy-tuloy ang pamimigay ng bisekleta sa netizens

- Tuloy-tuloy pa rin ang pamimigay ni Mariel Padilla ng bisekleta bilang kanyang giveaways

- Ito ay kanyang sinimulan nang siya ay mag-umpisang mag-live selling ng kanyang mga gamit kagaya ng bag, damit at sapatos

- Naging matagumpay naman ang kanyang pag-oonline selling at sold out ang kanyang binebentang gamit sa kanyang mga naging live selling sessions

- Matatandaang inamin ni Mariel sa isang panayam ni Ogie Diaz na ginagamit niya ang kanyang perang nalilikom sa online selling para sa campaign materials ni Robin Padilla

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tuloy-tuloy pa rin ang pamimigay ni Mariel Padilla ng bisekleta sa netizens bilang bahagi ng kanyang pa-giveaways nang simulan niya ang kanyang live selling. Marami naman sa mga netizens ang sumasali at nakikipagsapalaran upang mabigyan ng bisekleta.

Mariel Padilla, tuloy-tuloy ang pamimigay ng bisekleta sa netizens
Photo from Mariel Padilla (@marieltpadilla)
Source: Instagram

Sa kanyang nakaraang mga live selling sessions, binenta ni Mariel ang ilan sa kanyang mga branded na gamit kagaya ng sapatos, bag at damit na aniya ay kanyang nakuha noong mga panahong siya ay nag-ho-hoard.

Read also

Buboy Villar, binigyan ni Jelai Andres ng mamahaling cellphone

Bukod sa bagsak presyo ang kanyang mga paninda mula sa orihinal nitong presyo nang bilhin niya, marami ang naaliw sa kanyang energy sa kanyang pagtitinda kaya kadalasan ay sold out ang kanyang mga paninda.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang inamin ni Mariel sa isang panayam ni Ogie Diaz na ginagamit niya ang kanyang perang nalilikom sa online selling para sa campaign materials ni Robin Padilla. Inamin niyang ginawa niya iyon para suportahan ang kanyang mister.

"Hindi naman kailangan, gusto ko diba? But wala naman talaga kaming money for that, for those things, and ang dami talagang humihingi sa akin. Humihingi sila ng t-shirt sa akin, sasabihin nila sa akin, gusto nilang tumulong, gusto nila ng tarpaulin pero sa akin sila laging humihingi, eh minsan wala na rin. So kailangan lagi akong meron kasi ang daming humihingi sa akin."

Read also

Maxine Medina, engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India.

Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

Kinabiliban ang mag-asawa dahil sa magandang pakikitungo nila sa kanilang mga kasambahay. Sa katunayan ay pinagawaan pa nila ito ng libreng pabahay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel