Buboy Villar, binigyan ni Jelai Andres ng mamahaling cellphone

Buboy Villar, binigyan ni Jelai Andres ng mamahaling cellphone

- Hindi napigilang mapamura ni Buboy Villar nang makatanggap siya ng mamahaling cellphone bilang regalo sa kanyang kaarawan

- Bigay ito ng kanyang malapit na kaibigan na si Jelai Andres na kagaya niya ay vlogger din

- Bago tuluyang ibigay ang kanyang regalo kay Buboy, napagdiskitahan pa ni Jelai na bawian si Buboy sa prank nito sa kanya noong kaarawan niya

- Lumang underwear at lumang bag ang nilagay niya sa loob ng box na nauna niyang binigay kay Buboy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tila hindi makapaniwala si Buboy Villar nang iabot sa kanya ng kaibigan niyang si Jelai Andres ang kahon ng mamahaling cellphone.

Bago tuluyang ibigay ang kanyang regalo kay Buboy, napagdiskitahan pa ni Jelai na bawian si Buboy sa prank nito sa kanya noong kaarawan niya.

Buboy Villar, binigyan ni Jelai Andres ng mamahaling cellphone
Buboy Villar (@buboyvillar)
Source: Instagram

Nagpakuha siya ng lumang underwear at bag mula sa bahay ni Buboy sa pamamagitan ng kaibigan nito. Nilagay niya ang mga ito sa box ng isang mamahalin na brand.

Read also

Herlene Hipon, pinakita ang makeup trial niya para sa kanyang Bb. Pilipinas application

Nang buksan ni Buboy ang mga ito, tila nahiya pa ito dahil sa itsura ng kanyang lumang bozer shorts at bag.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nilinaw naman ni Buboy na kaya hindi niya tinatapon ang lumang bag ay dahil maswerte umano ito sa kanya. Umaabot umano sa 20,000 ang benta ng kanyang paresan kapag iyong bag niyang luma ang kanyang ginagamit.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Jelai na naiyak at napamura si Buboy sa kanyang regalong binigay:

Birthday gift na malupet para sa BFF nating t*e!Umiyak si Buboy habang minumura ako.

Si Buboy Villar ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang mag audition siya sa Little Big Star. Naging bahagi siya ng teleseryeng Dyesebel noong 2008.

Ilan sa mga pelikulang naging bahagi siya ay Supahpapalicious, Shake, Rattle & Roll X, Ang Panday, Zaido: Pulis Pangkalawakan, Darna, at Panday Kids.

Read also

Chito Miranda, inalmahan ang netizen na nagsabing mayabang sila ni Neri

Taong 2016 nang maging magkarelasyon si Buboy at ang ina ng kanyang dalawang anak na si Angillyn Gorens. Nagsama sila sa isang bubong taong 2017.

Taong 2017 naman pinanganak ni Angillyn ang kanilang panganay na anak. Engaged na sila noon at nagbabalak na magpakasal sa US ngunit nito lamang 2020 nang aminin nilang nagkahiwalay sila.

Nitong nakaraang Mother's Day ay hindi kinaligtaang batiin ni Buboy si Angillyn.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel