Herlene Hipon, pinakita ang makeup trial niya para sa kanyang Bb. Pilipinas application

Herlene Hipon, pinakita ang makeup trial niya para sa kanyang Bb. Pilipinas application

- Matapos niya isapubliko ang tungkol sa balak niyang sumali sa Bb. Pilipinas, ibinahagi ni Herlene Budol ang kanyang makeup trial look para sa kanyang application

- Hiling niya na sana ay pumasa siya at suportahan siya ng kanyang mga followers sa kung ano ang kanyang makakayang maibigay

- Aniya, gusto niyang gawin ang kanyang makakaya hangga't may taong naniniwala sa kakayahan niya kagaya ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino

- Gusto niya din daw maging proud sa kanya ang kanyang manager dahil ito ang naghikayat at nag-motivate sa kanya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isang pasilip sa kanyang makeup trial look ang ibinahagi ni Herlene Budol sa kanyang Instagram post. Susubukan niya umanong makipag sapalaran na makapagparegister sa Binibining Pilipinas ngayong April 8.

Herlene Hipon, pinakita ang makeup trial niya para sa kanyang Bb. Pilipinas application
Herlene 'Hipon' Budol (@herelene_budol)
Source: Instagram

Hiling niya na sana ay pumasa siya at suportahan siya ng kanyang mga followers sa kung ano ang kanyang makakayang maibigay.

Read also

Ana Jalandoni, inakalang patay na siya sa tindi ng sinapit 'di umano kay Kit Thompson

Sana pumasa ako sa audition at supportahan nyo pa din ako kung ano lang kaya ni Hipon ah.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aniya, gusto niyang gawin ang kanyang makakaya hangga't may taong naniniwala sa kakayahan niya kagaya ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino na siyang naghikayat at nag-motivate umano sa kanya.

I will give my best hanggat may taong naniniwala sa akin tulad ni Manager @sirwil75 at gusto ko maging proud cya sa akin. dahil cya din nag hikayat at nag motivate sa akin at ciempre gusto ko din magkaron ng improvement on my own!

Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera.

Read also

Herlene Budol, 'di pa nagagamit ang mamahaling bag at shoes na bigay sa kanya ni Alex Gonzaga

Naging laman ng mga balita ang kontrobersiyal na sagutan nila ng Miss Universe Manila na si Alexandra Abdon sa Wowowin. Gayunpaman, nagkaayos silang dalawa at nagkapatawaran na.

Matatandaang matapos niyang makapanayam ni Toni Gonzaga sa kanyang YouTube show na ToniTalks, dumami ang gustong tumulong sa kanya. Pinagshopping din siya ni Alex Gonzaga ng mamahaling bag at sapatos.

Kamakailan ay ibinahagi ni Herlene na kagaya ni Madam Inutz ay napagpasyahan niyang magpa-manage kay Wilbert Tolentino. Abot-abot ang kanyang pasasalamat sa pagtulong sa kanya ni Wilbert lalo na sa pag-ayos ng kanyang bangko para sa kanyang sahod sa YouTube.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel