Herlene Budol, 'di pa nagagamit ang mamahaling bag at shoes na bigay sa kanya ni Alex Gonzaga

Herlene Budol, 'di pa nagagamit ang mamahaling bag at shoes na bigay sa kanya ni Alex Gonzaga

- Ipinakita ni Herlene 'Hipon' Budol na hindi pa niya nagagamit ang mamahaling bag at sapatos na bigay sa kanya ni Alex Gonzaga

- Isang taon na ang nakalipas nang maging bisita si Herlene sa vlog ni Alex kung saan siya nito pinamili

- Aniya, hindi niya alam kung saan gagamitin ang bag at sapatos

- Dati raw kasi ay umaangkas lamang siya sa motor kaya ang ikinakatakot niya ay baka mahablot lamang ang bag sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ipinakita ni Herlene 'Hipon' Budol na naka-box at naka-paper bag pa rin ang bigay sa kanyang mamahaling bag at sapatos ni Alex Gonzaga.

Herlene Budol, 'di pa nagagamit ang mamahaling bag at shoes na bigay sa kanya ni Alex Gonzaga
Herlene Budol (Photo: Karen Davila YouTube channel)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa mga napagkwentuhan nila ni Karen Davila nang bumisita ito sa kanya.

Ayon kay Herlene, hindi pa niya kailanman nagamit ang bag at sapatos na pinapa-aircon pa niya sa kapibahay para hindi masira ang materyales nito.

Read also

Herlene 'Hipon' Budol, ga-graduate na ngayong taon sa kursong Tourism Management

"Hindi ko nga po alam e, kasi parang walking Php 250,000," biro ni Hipon gayung Php250,000 umano ang kabuuan ng halaga ng bag at sapatos mula sa Gucci na ibinili sa kanya ni Alex, isang taon na ang nakalilipas.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isang dahilan na ibinigay ni Hipon Girl ay ang pagsakay lamang niya noon sa Angkas. Ikinakatakot umano niya na baka mapaaway lamang siya kung mahiklas ang kanyang mamahaling bag habang nakaangkas.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Karen Davila:

Si Herlene Nicole Budol aka "Hipon" ay isang komedyante, aktres at nagsimula bilang TV host sa programang "Wowowin".

Nakilala si Hipon nang sumali siya sa "Willie of Fortune". Bagaman at hindi siya nanalo, hinahanap siya ng mga tagasubaybay ng programa kaya naman pinabalik siya ni Willie Revillame para maging isa sa kanyang mga co-host.

Read also

Herlene 'Hipon' Budol, pinaghahandaan na ang pagsali sa Binibining Pilipinas

Kamakailan, hinangaan din ng marami si Hipon Girl matapos na ipamigay nito ang lahat ng kanyang nahakot sa 1-minute shopping challenge sa kanya ni Wilbert Tolentino.

Sunod-sunod ang mga naging proyekto at biyaya ni Herlene nang maging alaga na rin siya ni Wilbert Tolentino tulad ni Madam Inutz na kabi-kabila na ang taping at recording mula nang makalabas sa bahay ni kuya.

Katunayan, nagkaroon na rin ng bagong sasakyan si Herlene nito lamang Marso na hindi niya akalaing mapapasa-kamay na niya agad.

Sa ngayon, abala si Herlene sa kanyang negosyo at sa paghahanda sa pagsali sa Binibining Pilipinas. Magtatapos na rin siya ng kanyang pag-aaral ngayong taon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel