Herlene 'Hipon' Budol, ga-graduate na ngayong taon sa kursong Tourism Management

Herlene 'Hipon' Budol, ga-graduate na ngayong taon sa kursong Tourism Management

- Magtatapos na sa kolehiyo si Herlene 'Hipon' Budol ngayong taon sa kursong Tourism Management

- Ito ay sa kabila ng pagiging working student niya mula pa noong siya ay 15-anyos pa lamang

- Kabi-kabilang trabaho ang kanyang pinasok habang siya ay nag-aaral

- At kahit na siya ay nasa showbiz at kumukita na, sinikap niyang makatapos pa rin ng pag-aaral lalo na at hiling ito ng kanyang lolo at lola

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Graduating student ngayong taon si Herlene 'Hipon Girl' Bdol. Ito ang isa sa naikwento niya sa pagbisita at pakikipagkwentuhan sa kanya ni Karen Davila.

Herlene 'Hipon' Budol, ga-graduate na ngayong taon sa kursong Tourism Management
Herlene 'Hipon' Budol (Photo: Herlene Budol/ Karen Davila YouTube channel)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na magtatapos si Herlene sa kursong Bachelor of Science in Tourism Management.

Aniya, 15-anyos pa lamang siya nang magsimula siyang maging working student.

Sinikap niya itong isabay sa kabi-kabilang mga trabaho niya sa loob ng isang linggo.

Read also

Herlene 'Hipon' Budol, pinaghahandaan na ang pagsali sa Binibining Pilipinas

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hiling din kasi ito ng kanyang pinakamamahal na lolo at lola kaya naman sinikap niya talagang makapagtapos.

Ayon pa kay Herlene, kahit na kumikita na siya ngayon ng pera mula sa pag-aartista at sa kanyang mga negosyo, alam niya ang kahalagahan ng edukasyon kaya pinasalamatan din niya ang kanilang paaralan na umunawa sa kanyang sitwasyon.

Narito ang kabuuan ng nakaka-inspire na kwento ni Herlene mula sa YouTube channel ni Karen Davila:

Si Herlene Nicole Budol aka "Hipon" ay isang komedyante, aktres at nagsimula bilang TV host sa programang "Wowowin".

Nakilala si Hipon nang sumali siya sa "Willie of Fortune". Bagaman at hindi siya nanalo, hinahanap siya ng mga tagasubaybay ng programa kaya naman pinabalik siya ni Willie Revillame para maging isa sa kanyang mga co-host.

Read also

Bea Alonzo, ginamitan ng pangmalakasang acting ang pagpaprank niya sa mga kaibigan

Kamakailan, hinangaan din ng marami si Hipon Girl matapos na ipamigay nito ang lahat ng kanyang nahakot sa 1-minute shopping challenge sa kanya ni Wilbert Tolentino.

Kasalukuyan na siyang sumasailalim sa pangangalaga ni Wilbert Tolentino tulad na rin ng online personality at PBB celebrity housemate na si Madam Inutz.

Katunayan, nagkaroon na rin ng bagong sasakyan si Herlene nito lamang Marso na hindi niya akalaing mapapasa-kamay na niya agad.

Bukod sa showbiz at ang paghahanda sa Binibining Pilipinas, abala rin si Herlene sa kanyang mga negosyo.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel