Herlene 'Hipon' Budol, pinaghahandaan na ang pagsali sa Binibining Pilipinas

Herlene 'Hipon' Budol, pinaghahandaan na ang pagsali sa Binibining Pilipinas

- Naikwento ni Herlene Hipon Budol kay Karen Davila ang paghahanda niya sa pagsali sa Binibining Pilipinas

- Ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino ang siyang nagkumbinsi at naniwala kay Herlene na maari itong sumali sa prestihiyosong beauty pageant sa bansa

- Katunayan, pupusan na ang kanyang paghahanda kung saan sumasailalim siya ng training sa Kagandahan Flores

- Tulad ng ibang mga sumasali sa Binibining Pilipinas, determinadong manalo si Herlene

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa sa mga naikwento ni Herlene 'Hipon Girl' Budol sa pagbisita sa kanya ni Karen Davila ay ang paghahanda niya sa pagsali sa Binibining Pilipinas.

Herlene 'Hipon' Budol, pinaghahandaan na ang pagsali sa Binibining Pilipinas
Herlene 'Hipon' Budol, pinaghahandaan na ang pagsali sa Binibining Pilipinas (Photo from Karen Davila)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa tulong ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino, puspusan na ang training ni Herlene sa 'Kagandahan Flores' gayung determinado siyang manalo ng korona sa prestihiyosong beauty pageant.

Read also

Bea Alonzo, ginamitan ng pangmalakasang acting ang pagpaprank niya sa mga kaibigan

Aniya, noon pa ma'y sumasali na siya sa mga beauty contest sa kanilang barangay. Katunayan, doon nga siya nabansagang 'Hipon.'

Sa ngayon, isa rin sa training na pinagdaraanan niya ay ang pakikipagtalastasan lalo na sa wikang Ingles.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aminado si Herlene na isa umano ito sa kanyang pinag-aaralan sa ngayon lalo na at determinado siyang mag-uwi ng korona at maging isang title holder ng Binibining Pilipinas.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Karen Davila:

Si Herlene Nicole Budol aka "Hipon" ay isang komedyante, aktres at nagsimula bilang TV host sa programang "Wowowin".

Nakilala si Hipon nang sumali siya sa "Willie of Fortune". Bagaman at hindi siya nanalo, hinahanap siya ng mga tagasubaybay ng programa kaya naman pinabalik siya ni Willie Revillame para maging isa sa kanyang mga co-host.

Read also

Ana Jalandoni, handang patawarin si Kit Thompson pero kailangan umano nitong managot

Kamakailan, hinangaan din ng marami si Hipon Girl matapos na ipamigay nito ang lahat ng kanyang nahakot sa 1-minute shopping challenge sa kanya ni Wilbert Tolentino.

Sunod-sunod ang mga naging proyekto at biyaya ni Herlene nang maging alaga na rin siya ni Wilbert Tolentino tulad ni Madam Inutz na kabi-kabila na ang taping at recording mula nang makalabas sa bahay ni kuya.

Katunayan, nagkaroon na rin ng bagong sasakyan si Herlene nito lamang Marso na hindi niya akalaing mapapasa-kamay na niya agad.

Bukod sa showbiz at ang paghahanda sa Binibining Pilipinas, abala rin si Herlene sa kanyang mga negosyo.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel