Lalaking dumalo sa "Pasiglaban," binahaging naibalik sa kanya ang nawalang wallet

Lalaking dumalo sa "Pasiglaban," binahaging naibalik sa kanya ang nawalang wallet

- Isang netizen ang nagbahagi ng kanyang karanasan nang dumalo siya sa katatapos lang na "Pasiglaban" people's rally

- Sa dami ng tao, tila imposible nang maibalik pa sa kanya ang kanyang wallet na sa tingin niya ay nahulog nang umakyat siya sa harang para makapunta sa palikuran ng isang coffee shop

- Kahit nawala ang kanyang wallet, ramdam umano niyang maibabalik sa kanya ito dahil maraming mga nagbabalik ng nawawalang gamit sa lost and found area

- Hindi umano kaagad niya nakuha ang wallet niya ngunit nang nakauwi na siya ay nakatanggap siya ng mensahe kaugnay sa nawala niyang wallet

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Buong pagmamalaking binahagi ng isang supporter na dumalo kamakailan sa people's rally sa Pasig ang tungkol sa pagkakabalik ng kanyang nawalang wallet. Masaya siyang kahit libo-libo ang dumalo sa rally ay naibalik pa sa kanya ang kanyang wallet.

Read also

Sharon Cuneta, humingi ng dispensa sa mga nasabi sa kanyang post

Lalaking dumali sa "Pasiglaban," binahaging naibalik sa kanya ang nawalang wallet
Pasiglaban People's Rally (VP Leni Robredo)
Source: Facebook

Pagsasalaysay ng Facebook user na si Stanford Anthony, sa dami ng tao, tila imposible nang maibalik pa sa kanya ang kanyang wallet na sa tingin niya ay nahulog nang umakyat siya sa harang para makapunta sa palikuran ng isang coffee shop.

Yesterday, during the Leni-Kiko People’s rally I lost my wallet. It was in my crossbody bag along with my phone but it somehow fell somewhere when I climbed on the fence to get to a coffee shop to empty my bladder.

Kahit nawala ang kanyang wallet, ramdam umano niyang maibabalik sa kanya ito dahil maraming mga nagbabalik ng nawawalang gamit sa lost and found area. Gayunpaman, hindi agad naibalik sa kanya ang kanyang wallet.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nang nakauwi na umano siya ay nakatanggap siya ng mensahe kaugnay sa nawala niyang wallet.

Read also

Angeline Quinto, nag-post ng pictures niya kasama ang kanyang boyfriend

When I was readying for sleep, my colleague from Dumaguete messaged me. Apparently she was contacted by someone asking if she knew me. Yes someone found my wallet! The founder went beyond extra mile to find me and was able to connect with common friends when they saw the name of the company I’m affiliated with, in one of the receipts that I was keeping.

Ibinahagi niya rin ang conversation nila ng taong nakipag-ugnayan sa kanya para maibalik ang kanyang wallet.

Sa nalalapit na na halalan ngayong Mayo 2022, mainit na binabantayan ang mga rally para sa pangangampanya ng mga tumatakbong politiko. Kabilang sa mainit na magkatunggali sa pagka-pangulo ay sina Vice President Leni Robredo at dating senador na si Bongbong Marcos. Sila ang dalawang nangunguna pagdating sa dami ng mga tagasuporta.

Kamakailan ay naganap ang isang people's rally sa Pasig na dinaluhan ng mga "Kakampink." Ilan sa mga personalidad na dumalo sa tinaguriang "Pasiglaban" ay sina Donny Pangilinan, Ebe Dancel, Itchyworms, Rivermaya, Ben and Ben, Robi Domingo, Melai Cantiveros, Janine Gutierrez, Julia Barretto, Angel Locsin at marami pang iba.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate