Angeline Quinto, nag-post ng pictures niya kasama ang kanyang boyfriend

Angeline Quinto, nag-post ng pictures niya kasama ang kanyang boyfriend

- Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Angeline Quinto ang ilang pictures na kuha sa kanilang dinaos na baby shower

- Kung noong una ay hindi pa masyadong naaninag ang mukha ng kanyang karelasyon sa nauna niyang post, naibahagi niya sa kanyang Instagram story ang picture nilang dalawa

- Naibahagi din ng Nice Print Photography na siyang kumuha ng kanilang mga photos ang picture ni Angeline at ng kanyang partner

- Nauna nang nabanggit ni Angeline na mas gusto ng kanyang partner na maging pribado ang buhay kaya hindi niya masyadong nagbabahagi ng tungkol sa karelasyon niya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa ibinahaging pictures ng Nice Print Photography, makikita ang pictures ni Angeline Quinto kasama ang kanyang partner. Ibinahagi din ni Angeline ang ilang pictures nila sa kanyang Instagram story.

Angeline Quinto, nag-post ng pictures niya kasama ang kanyang boyfriend
Angeline Quinto (@loveangelinequinto)
Source: Instagram

Hindi ito ang unang pagkakataon na binahagi ng mang-aawit ang picture ng kanyang karelasyon. May naibahagi na siyang picture nilang magkasama kamakailan ngunit hindi masyadong maaninag ang mukha ng kanyang boyfriend sa nauna niyang post.

Read also

Brenda Mage, pansamantalang iiwan ang showbiz: "Makakauwi na ko ng Probinsya"

Nauna nang nabanggit ni Angeline na mas gusto ng kanyang partner na maging pribado ang buhay kaya hindi niya masyadong nagbabahagi ng tungkol sa karelasyon niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala sa kanyang Instagram post, hindi niya naisama ang picture ng boyfriend. Sa kanyang post, isa-isa niyang pinasalamatan ang mga tumulong para mairaos nila ang kanilang baby shower:

Thank you very much po sa lahat for making my baby shower possible. Nakita at nakasama ko ulit ang mga taong malapit sa akin. And also
THANK YOU, sa napaka generous na mga partners and sponsors namin para mabuo ito. We love you po. Thank youuu sainyong lahat

Si Angeline Quinto ay kilalang mang-aawit na kinalaunan ay gumawa na rin ng pelikula at mga TV shows. Nakilala siya sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa singing contest na Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta, pinasok din ni Angeline ang paggawa ng mge teleserye at pelikula.

Read also

Lalaking dumalo sa "Pasiglaban," binahaging naibalik sa kanya ang nawalang wallet

Kabilang sa kanyang mga pumatok na vlogs ay ang kanyang pakikipag-collab sa Beks Battalion. Nagkaroon din siya ng video kasama si Chad Kinis.

Isa din si Angge sa mga sikat na personalidad na pumasok na sa paggawa ng YouTube content nang magkaroon ng pandemya. Kinaaliwan ang kanyang pagiging natural na palabiro at komedyante na makikita sa kanyang mga vlog.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel