CP na kaka-charge lamang at ginamit umano sa online gaming, natagpuang umuusok
- Nasapul pa ng video ang aktwal na pag-usok ng isang cellphone na kaka-charge pa lamang
- Ayon sa ama ng may-ari nito, naiwan ang gadget sa ilalim ng unan
- Makalipas ang nasa 15 minuto, may naamoy na lamang umano sila na tila nasusunog
- Agad nilang nailabas ang gadget at nabuhusan ng tubig upang matigil ang pag-usok
- Magsilbing babala umano ito sa mga kabataang nagbababad sa kanilang gadget kakalaro umano ng online games
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Naaktuhan pa ng video ang aktwal na pag-usok ng cellphone na pagmamay-ari ng anak ni Dale Canalija.
Nalaman ng KAMI na naiwan umano ng anak nito ang cellphone sa ilalim ng unan at sila ay umalis.
Sa panayam sa kanya ng GMA News, naikwento pa ni Dale na kaka-charge lamang ng naturang gadget na ginamit umano ng kanyang anak sa online gaming.
Makalipas ang 15 minuto, may naamoy na lamang sila sa loob ng bahay na agad nilang hinanap ang pinanggagalingan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Doon nila nakita ang cellphone na umuusok na kaya agad nila itong inilabas at binuhusan ng tubig.
Malaking bagay na kanila pa itong naagapan kung hindi, malaki ang posibilidad na pagmulan ito ng sunog.
Ayon naman sa Bureau of Fire protection, madalas itong mangyari lalo na kung hinahayaan pa rin na bukas ang cellphone kahit hindi na ginagamit.
Nagbabala rin sila na iwasan ang pag-overcharge ng mga gadget na nagiging sanhi umano ng spark at overheat sa unit dahilan para masira ito.
Isa rin sa nakikita nilang dahilan ng mga ganitong klaseng aksidente ay ang paggamit umano ng substandard na charger dala umano ng pagtitipid.
Magsilbing babala umano ang insidente lalo na at karamihan sa kabataan ngayon ay may mga gadget na dahil sa kanilang online classes.
Matatandaang minsan na ring naiulat ng KAMI na isang dalagita ang nasawi matapos na siya ay masabugan ng sarili niyang cellphone.
Ayon sa Daily Mail, nakilala ang 14-anyos na dalagita na si Alua Asetkyzy Abzalbek mula sa Bastobe, Kazakhstan.
Lumabas sa imbestigasyon na nakikinig pa ito ng music mula sa kanyang cellphone bago matulog.
Naka-earphones pa ito habang naka-charge pa ang CP nito.
Ang malala, nilagay pa niya ito sa ilalim ng kanyang unan na siyang dahilan ng pag-overheat ng gadget.
Source: KAMI.com.gh