Dalagita, nasawi matapos masabugan ng cellphone na nasa ilalim ng kanyang unan

Dalagita, nasawi matapos masabugan ng cellphone na nasa ilalim ng kanyang unan

- Wala ng buhay nang makita ang 14- anyos na dalagita mula sa Kazakhstan

- Ayon sa imbestigasyon, sumabog ang cellphone na naka-charge habang natutulog ang dalagita

- Pinaniniwalaan ding umaga na nang maganap ang pagsabog ngunit di pa rin ito naagapan

- Sa kabila ng ilang mga insidenteng tulad nito, marami pa rin ang tila di naniniwalang mali ang paglalagay ng cellphone sa higaan habang natutulog lalo pa kung ito ay naka-charge

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa na namang dalagita ang binawian ng buhay dahil sa sumabog na cellphone habang siya ay natutulog.

Ayon sa Daily Mail, nakilala ang 14-anyos na dalagita na si Alua Asetkyzy Abzalbek mula sa Bastobe, Kazakhstan.

Lumabas sa imbestigasyon na nakikinig pa ito ng music mula sa kanyang cellphone bago matulog.

Naka-earphones pa ito habang naka-charge pa ang CP nito.

Ang malala, nilagay pa niya ito sa ilalim ng kanyang unan na siyang dahilan ng pag-overheat ng gadget.

Kung tutuusin, umaga na raw nang mangyari ang pagsabog kaya kung ito ay naagapan, buhay pa sana si Alua.

Dalagita, nasawi matapos masabugan ng cellphone na nasa ilalim ng kanyang unan

source: The hearty soul
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Katunayan, naka-plug pa sa saksakan ang charger ng cellphone na sumabog noong makita ito ng pamilya ni Alua.

Samantala, halos di makapaniwala ang mga kaibigan ng dalagita sa malagim na sinapit nito dahil lamang sa kanyang gadget.

Magsilbing aral at babala muli ito sa mga mahilig mag-iwan ng kanilang gadget sa ilalim ng kanilang mga unan. Iwasan lalo ang pag-charge nito habang kayo ay natutulog.

Makalilang beses na na may naganap na ganitong uri ng insidente ngunit may mga tao pa rin daw pa lang gumagawa ng ganito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Wanna see how Maine Mendoza and Carlo Aquino giggle while answering some tricky questions? Check this out!

Tricky Questions Celebrity Special: Maine Mendoza And Carlo Aquino | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel