Tatlo sa pitong nagnakaw umano sa ina ni Nadia Montenegro, natukoy na ng pulisya

Tatlo sa pitong nagnakaw umano sa ina ni Nadia Montenegro, natukoy na ng pulisya

- Natukoy na ng Quezon City Police District ang tatlo sa umano'y pitong supek sa pagnanakaw sa ina ng aktres na si Nadia Montenegro, ayon sa report ng TV Patrol.

- Matatandaang ilang araw lamang ang nakalipas nang ibahagi ni Nadia na nanakawan sa loob mismo ng member-only shopping store ang ina

- Ayon sa pulisya, hindi ito ang unang beses na mambiktima ang grupo na mayroon na umanong record maging sa ibang bahagi ng bansa

- Tila tumutugma naman ito sa naiabahagi ni Nadia kung saan matapos niyang isapubliko ang nangyari sa ina, marami ang nagpadala ng mensahe at sinabing pareho sila ng naranasan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Natukoy na ng pulisya ang tatlo sa pitong mga kawatan na lakas-loob na nagnakaw sa wallet ng ina ng aktres na si Nadia Montenegro.

Read also

Leni Robredo, binabasa ang placards sa campaign rally; "Kung ano-ano naiisip niyo"

Tatlo sa pitong suspek sa pagnanakaw ng wallet ng ina ni Nadia Montenegro, natukoy na ng pulisya
Photo: Nadia Montenegro (@officialnadiam)
Source: Facebook

Ayon sa report ng ABS-CBN news program TV Patrol, hindi ito ang unang pagkakataon na nambiktima ang grupo na may record na hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa ibang probinsya.

Ayon kay PLTCOL Richard Encio Mepania, Chief PS16 ng Quezon City Police, dati nang nahuli ang ilang miyembro ng grupo at nakulong na rin ngunit ngayo'y patuloy na muling nambibiktima lalo na at nasa Alert level 1 na umano ang Metro Manila at karamihang bahagi ng bansa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tila tumutugma naman umano ito sa naibahagi rin ni Nadia na matapos na isapubliko ang nangyari sa ina, marami ang nagpadala sa kanya ng mensahe at sinasabing pareho ang naranasan nila sa ina.

Samantala, maging ang umano'y sinakyan ng mga kawatan ay natukoy na rin ng pulisya at naimbitahan na nila ang driver at may-ari nito na maari ring masampahan ng kaso.

Read also

Dub King, nabiktima umano ng holdap sa loob mismo ng coffee shop sa SM MOA

Si Nadia Montenegro ay isang aktres na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa mga pelikula kagaya ng bulong Mo Sa Diyos, Prinsesang Gusgusin, Taray at Teroy at Stupid Cupid. Anak niya kay Boy Asistio ang aktres na si Ynna Asistio.

Tulad ng ina ni Nadia, kamakailan ay nabiktima rin ng hold-up robbery ang TikTok star na si Dub King.

Sa kanyang socmed, idinetalye niya kung paano siya nanakawan sa loob mismo ng isang coffee shop sa isa sa mga gusali ng SM Mall of Asia noong Marso 1.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel