Binatilyong labis mag-cellphone, sinugod sa ospital dahil sa kakaibang naramdaman

Binatilyong labis mag-cellphone, sinugod sa ospital dahil sa kakaibang naramdaman

- Binahagi ng isang ina ang nangyari sa binatilyong anak na labis mag-cellphone

- Dinitalye ng ina ang mga kakaibang ginwa ng kanyang anak na lalaki na tila nawala raw pansumandali sa sarili

- Sinugod ang anak sa ospital at doon nalaman na ang dahilan pala nito ay ang labis na paggamit ng cellphone

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang post ng inang si Lilibeth Eulin tungkol sa binatilyo niyang anak na si Robin kung saan nakaranas ng kakaibang karamdaman dahil daw sa sobrang paggamit ng cellphone.

Nagtaka ang ina sa kakaibang kinilos ng anak. Pawisan daw ito kahit na naka-aircon sila at nagreklamong nahihilo.

Di rin daw makali ang anak. Nandung tumayo, umupo at tila di nito malaman ang kanyang ginagawa.

Naisip pa nga ni Lilibeth na baka nakagat ng aso ang anak dahil pareho halos ang ginagawa nito sa nakagat ng aso.

PAY ATTENTION: 12 Most Unique Celebrity Weddings

Nilinaw naman ni Robin na di siya nakagat ng aso na mas lalong kinabahala ng ina.

Sa takot ng ina, naisip pa nitong baka tumalon pa ang anak gayung nasa ikalimang palapag sila.

Kaya naman nagdesisyon na si Lilybeth na isugod na sa ospital ang anak kahit pa dis oras na ng gabi.

Sinabi ng doktor na normal ang blood pressure ni Robin. Agad itong binigyan ng pampakalma at pampawala ng hilo nito. Nawala na rin ang pananakit ng dibdib nito at di na nagpawis at nawala na rin ang hilo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Gayunpaman, minabuti pa rin ng doktor na obserbahan si Robin sa loob ng tatlong araw kasama na rin ang kanyang pagpapahinga.

Doon, nalaman ng ina na ang dahilan pala ng kakaibang nangyari na ito sa anak ay ang sobrang paggamit ng gadgets.

Napatunayan niyang totoo ito dahil sa nakita mismo niya ang dinanas ng anak. Dati raw kasi ay di siya naniniwala sa mga nababasa ukol dito.

Magsilbing babala raw ang nangyari kay Robin sa iba, bata man o matanda dahil tulad nga ng kasabihan, anumang labis ay nakasasama.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Watch this special public prank on YouTube

Prank In Public: Did You Just Fart? | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica