70-anyos na tindero ng itlog na na-scam at naholdap, natulungan matapos mag-viral

70-anyos na tindero ng itlog na na-scam at naholdap, natulungan matapos mag-viral

- Nabigyan ng tulong ang 70-anyos na tindero ng itlog matapos na mag-viral ang karanasan nito

- Matatandaang si Lolo Romeo Pagapulaan ay na-scam ng ilang customer niya at ang masaklap ay nanaholdap pa noong nakaraang buwan

- Nang makita ang kanyang kwento, agad na sinadya ito ng negosyante at vlogger na si Shiwen Lim

- Bukod sa pambili ng cellphone na hiling ng lolo, binigyan niya rin ito ng pampuhunan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos mag-viral ang nakakadurog ng pusong kwento ni Lolo Romeo Pagapulaan, isa-isa nang dumagsa sa kanya ang biyaya.

Nalaman ng KAMI na isa rito ay ang negosyante at vlogger na likas na matulungin na si Shiwen Lim.

Sinadya pa niya sa Novaliches si Lolo Romeo upang personal itong abutan ng tulong.

70-anyos na tindero ng itlog na na-scam at naholdap, natulungan matapos mag-viral
Si Lolo Romeo habang tinutulungan ng isang nagmalasakit na residente (Photo from Tmack Loft)
Source: Facebook

Matatandaang si Lolo Romeo ang tindero ng itlog na naloko ng ilang customer niya na matapos niyang i-deliver ang order na ilang tray na itlog, tinakbuhan na siya at hindi na binayaran.

Read also

Donekla in Tandem, nag-post na hiwalay na sila; "Maraming salamat sa suporta mga katandem"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gamit ang kanyang bisikleta, matiyagang iniingatan ni Lolo Romeo ang mga paninda para ihatid ito sa mga may order sa kanya.

Mag-isa na lamang na namumuhay si Lolo Romeo kaya naman kahit nakakaramdam na ng panghihina, sinisikap pa rin niyang maghanapbuhay.

Subalit dahil na rin sa kanyang edad, naranasan niyang maholdap. Hindi kasi siya makapanlaban kaya natangay sa kanya ang Php10,000 na inutang lamang niya.

Ang mga pangyayaring ito ang naging daan naman para siya ay mabiyayaan.

Bukod sa pambili ng cellphone na hiling ni Lolo Romeo kaysa magkaroon ng bagong bisikleta, binigyan din siya ng negosyante ng pampuhunan sa paglalako ng itlog.

Ito ay upang masigurong tuloy-tuloy ang kabuhayan ng masipag na si Lolo Romeo.

Kamakailan ay nag-viral ang sinapit ni Lolo Nardo Flores o mas nakilala sa social media bilang si "Lolo Narding".

Read also

70-anyos na tindero ng itlog, naloko na ng customer; natangayan pa ng Php10,000

Gumulantang sa publiko ang mga larawan ni Lolo Narding na inaresto dahil lamang sa pagkuha ng mga mangga sa puno na hindi umano sa kanila.

Nabanggit niyang nais na sana niyang bayaran ang mga nakuha para na lamang makipagkasundo sa nagsasabing 'may-ari' nito ngunit anim na libong piso raw ang hinihingi ng mga ito.

Ayon naman sa caretaker ng lugar kung nasaan ang puno ng manggang pinagkunan ni Lolo Narding, nagulat na lamang sila nang malamang may warrant of arrest na para sa matanda gayung balak na nilang iatras ang kaso. Nilinaw din niyang hindi si Lolo Narding ang nagtanim ng punong mangga.

Samantala, isa rin ang negosyanteng si Shiwen Lim sa mga nagpaabot ng tulong kay Lolo Nardo.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica