Single mom na may Php 3,500 na puhunan, kumikita na ngayon ng Php 3 million
- Marami ang bumilib sa isang single mom na sumugal sa puhunan niyang Php3,500 at nagbenta ng mga skincare products
- Aminado mang hindi naging madali ang kanyan ginawa ngunit kitang-kita na niya ngayon ang bunga nito
- Kumukita na kasi siya ng nasa Php3 million at talagang nabago ang kanyang buhay dahil dito
- Patunay lamang daw na ang tulad niyang single mom ay maari parin na magtagumpay sa sarili niyang pagsusumikap
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Tunay na kahanga-hanga ang single mom na si Vannerie na nagawang palaguin ang kanyang Php3,500 at ngayo'y kumikita na siya ng tatlong milyong piso.
Marami raw pinagdaanan sa buhay si Vannerie lalo na sa kanyang anak na muntik nang mamatay.
Subalit hindi siya nawalan ng pag-asa at gumawa pa raw lalo siya ng paraan upang kumita sa pamamagitan ng sarili niyang pagsusumikap.
"Habang buntis ako, muntik nang mamatay yung baby ko. Nung iniluwal ko naman siya pahirapan ang paghingi ng sustento at suporta kaya pinilit kong tumayo sa sarili kong paa"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ang hawak niyang pera noon na mahigit tatlong libong piso lamang, isinugal na raw niya sa pagbebenta ng mga skincare paroducts.
Dala ng kanyang determinasyon na palaguin ang negosyo, hindi naman siya nabigo hanggang sa umabot na sa milyon ang kanyang kinikita.
"Nakakaiyak talaga! Kasi lahat ng hirap na pinagdaanan ko bilang ina, bilang worker, bilang online seller, bilang anak, nagbunga na. Gusto ko ring patunayan na kaya naming umangat na mga single mom!”
Hindi pa man naipalalabas ang kabuuan ng kanyang kwento sa Kapuso mo, Jessica Soho ay nag-viral na ang kanyang kwento.
Isa ang programa ng batikang broadcast journalist sa Pilipinas na si Jessica Soho sa mga pinakaaabangan ng mga Pinoy tuwing sasapit ang araw ng linggo.
Bukod sa mga nakamamanghang mga kwento na kanyang naibabahagi, kapupulutan din ng aral ang mga ito kaya naman buong pamilya ang maaring manood ng kanyang programa.
Isa rin sa mga naitampok sa naturang programa ang buwis-buhay na pangunguha ng kawayan ng isang bulag na ginagawa niyang alkansya para mailako.
Tinutukan din ng marami ang kwento ng magsasakang nakatira sa bundok at nag-aararo ng walang kalabaw.
Isang vlogger ang nagpanggap na pulubi at humingi ng maiinom na tubig sa magsasaka ngunit higit pa sa tubig ang naibigay nito dahil sinamahan pa niya ito ng kanin at tuyo.
Dahil dito, naisipan naman ng vlogger na bukod sa tulong pinansyal, binigyan din niya ito ng kalabaw.
Source: KAMI.com.gh