62-anyos na magsasaka, 'di nagdalawang-isip na isauli ang bag na may lamang Php36,000

62-anyos na magsasaka, 'di nagdalawang-isip na isauli ang bag na may lamang Php36,000

- Hindi nagdalawang-isip ang isang 62-anyos na magsasakang nakakita sa isang bag na naglalaman ng Php36,000

- Nahulog daw sa kalasada ang bag na ito at napansin niyang malaking halaga ng pera ang nilalaman.

- Labis namang nagpapasalamat ang may-ari dahil hindi na rin umano nito inaasahang mapapabalik pa ito sa kanya

- Matapos na mag-viral ang katapatan na ito ng lolo, nakatanggap din siya ng tulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inspirasyon ang hatid ng katapatang ginawa ng 62-anyos na magsasakang si Lolo Rosito Laranjo.

Nalaman ng KAMI na nakapulot umano si Lolo Rosito ng bag na may lamang mahigit Php36,000.

Nahulog umano ito ng may-ari sa kalsada na siyang nakita naman ng magsasaka.

62-anyos na magsasaka, 'di nagdalawang-isip na isauli ang bag na may lamang Php36,000
Ang perang laman ng bag na napulot ni Lolo Rosito (Photo from Dungog Sa Kapatagan- DSK)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Kaso ng Maguad siblings murder case, 90% solved na ayon sa mga otoridad

Agad niya itong dinala sa police station ng Digos City para maisauli sa may-ari.

Tuwang-tuwa naman ang may-ari ng bag lalo na halos hindi na raw umasa na maisasauli pa sa kanya ang nawalang bag.

Nabanggit naman ni Police Senior Master Sergeant Henry Abarcar na matapos niyang maibahagi ang katapatan ng magsasaka, umani ito ng papuri sa marami at marami rin dito ang nagpaabot ng tulong.

Narito ang kabuuan ng post na naibahagi din sa Dungog Sa Kapatagan- DSK:

Kamakailan, hinangaan din ang isang 22-anyos na ama at grocery merchandiser na si Christian Baluyot na isauli ang napulot niyang cellphone sa sinakyang jeep.

Magandang klase ng iPhone pa naman ito kaya inakala ng may-ari na hindi na ito maibabalik pa sa kanya. Kaya naman laking gulat niya nang tawagan niya ang cellphone na nawala na agad namang sinagot ni Christian. Sinabi nitong huwag mag-alala gayung ibabalik niya ang cellphone.

Read also

Atty. Sam Ferrer ng RTIA, 'di nakapagpigil sa umano'y nagpanggap na nurse; "Nakakapikon!"

Dahil sa kahanga-hangang katapatan ni Christian, dinagsa siya ng tulong.

Hindi rin nalalayo sa kwento ni Lolo Rosito ang ginawa ng isang 11-anyos na batang lalaki na hinangaan ng marami nang magsauli ng pouch na naglalaman ng Php100,000.

Ito ay kanyang nakita sa sinakyang jeep at ang pera ay pasahod pala ng may-ari ng pouch sa pinapasukang trabaho.

Ipinagmalaki ng Deped Tayo Youth Formation Division Office ng Ifugao ang katapatang ipinamalas ng bata na Grade 6 na sa darating na pasukan.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica