22-anyos na nagsauli ng CP na napulot sa jeep, dinagsa ng tulong

22-anyos na nagsauli ng CP na napulot sa jeep, dinagsa ng tulong

- Isinauli ng isang 22-anyos na ama ang smartphone na napulot niya sa sinakyang jeep

- Naiwan pala ito sa pagmamadaling bumaba ng babaeng kanyang nakatabi sa sasakyan

- Halos hindi makapaniwala ang babae na maayos na isinauli ng nakasakay ang naiwan niyang cellphone

- Dahil dito, dinagsa naman ng tulong ang nagsauli ng CP matapos na ikuwento ng babae ang kabutihang nagawa nito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi nagdalawang isip ang 22-anyos na ama at grocery merchandiser na si Christian Baluyot na isauli ang napulot niyang cellphone sa sinakyang jeep noong Agosto 6.

Nalaman ng KAMI na ang may-ari pala nito ay ang babaeng nakatabi niya sa sasakyan na nagmamadaling bumaba.

Kwento ng may-ari ng cellphone na si Patricia Tawat sa panayam sa kanya ng GMA News, inisip niyang i-block na ang kanyang cellphone para mag-alarm ito at hindi na mabuksan ng nakakuha.

Read also

Madam Kilay, nanggalaiti sa natanggap na karton imbes na ang inorder na duyan

22-anyos na nagsauli ng CP na napulot sa jeep, dinagsa ng tulong
Ang cellphone ni Patricia na napulot at isinauli ni Christian (Photo from Christian Baluyot)
Source: Facebook

Ngunit bago niya ito gawin, minabuti muna niyang tawagan sa pagbabakasakaling may sasagot pa rito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman laking gulat niya nang sagutin nga ni Christian ang kanyang tawag at sinabi nitong isasauli niya ang cellphone ni Patricia.

Sumipot nga ito sa napagkasunduan nilang lugar ng may-ari ng cellphone kung saan niya ito isasauli.

Labis na humanga si Patricia sa ginawa ni Christian na bagaman at dumaranas ng hagupit ng pandemya, hindi pa rin daw nito nakaisip na gumawa ng masama.

Ayon kay Christian, kinagisnan naman niya ang pangaral ng magulang na kahit maghirap, huwag na huwag pa ring gagawa ng masama.

Sa labis na pasasalamat at paghanga ni Patricia sa ginawa ni Christian, hiningi niya ang permiso nito na maibahagi sa social media ang pangyayari.

At dahil sa nag-viral ito, marami ring natanggap na biyaya si Christian dahil sa kabutihan na kanyang nagawa.

Read also

Lolo na sinagip ng RTIA mula sa tirahan nitong mukhang kulungan ng baboy, pumanaw na

Nito lamang Hulyo, isang 11-anyos na batang lalaki ang hinangaan nang magsauli ng pouch na naglalaman ng Php100,000.

Ito ay kanyang nakita sa sinakyang jeep at ang pera ay pasahod pala ng may-ari ng pouch sa pinapasukang trabaho.

Ipinagmalaki ng Deped Tayo Youth Formation Division Office ng Ifugao ang katapatang ipinamalas ng bata na Grade 6 na sa darating na pasukan.

Tulad ng katapatan nina Christian at Denard, isang residente rin ang hinangaan matapos na magsauli ito ng nahulog na pitaka ng isang delivery rider.

Sa sobrang tuwa ng delivery rider sa residente, naiyak at talagang napayakap ito sa nagsauli sa kanya ng kanyang wallet.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel