Madam Kilay, nanggalaiti matapos makatanggap ng karton imbes na ang inorder na duyan

Madam Kilay, nanggalaiti matapos makatanggap ng karton imbes na ang inorder na duyan

- Hindi napigilang ilabas ni Madam Kilay ang kanyang sama ng loob matapos umano siyang mabudol sa kanyang order sa isang e-commerce company

- Aminado siyang inendorso niya ang nasabing kumpanya noon ngunit dismayado siya sa nangyari sa kanya

- Imbes kasi na duyan ang dumating ay pawang mga karton ang laman ng naideliver na parcel na aniya ay regalo sana niya

- Nilinaw niyang kinausap na siya ng kumpanya at i-rerefund umano ang pera niya ngunit pakiusap niya na sana ay magawan ng aksiyon ang mga panlolokong nangyayari maging sa ibang customers

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Aminado si Madam Kilay na nanggalaiti siya sa aniya'y pambubudol na naranasan niya matapos siyang mag-order online sa isang shop na bahagi ng e-commerce company na dati na rin niyang inendorso.

Madam Kilay, nanggalaiti matapos makatanggap ng karton imbes na ang inorder na duyan
Madam Kilay (@madamkilay)
Source: Instagram

Umorder umano siya ng duyan bilang panregalo ngunit pawang mga karton ang laman ng parcel na naideliver.

Read also

Donnalyn Bartolome, nilabas ang kanyang sama ng loob kay Jose Hallorina

Aniya, kinausap na siya ng kumpanya at i-rerefund naman daw ang kanyang binayad.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Walong araw umano bago dumating ang kanyang order ngunit dismayado siya na walang natanggap na duyan.

Sabi daw sa kanya ng seller, biktima din daw sila dahil iba-iba na ang humahawak ng items.

Gayunpaman, pakiusap niya ay sana magawan ng aksiyon ang mga pangyayaring ganoon para hindi sila nasisira sa mga customers.

Ito umano ang unang pagkakataon na nakaranas siya ng pambubudol.

Unang nakilala si Madam Kilay dahil sa kanyang nakakatuwang Facebook Video kung saan iba-iba ang hugis ng kanyang kilay kaya siya tinawag bilang Madam Kilay. Si Jinky Anderson sa totoong buhay ay minsan na ring napanood sa telebisyon nang mapasali siya sa Eat Bulaga at iba pang TV shows.

Read also

Madam Kilay, pinayuhan si Queen Inutz kasunod ng pagpirma nito ng kontrata

Kahit kasalukuyang nasa Amerika, marami sa kanyang mga tagasuporta sa Pilipinas ang nasusubaybayan ang mga pangyayari sa kanya. Kamakailan ay ibinahagi ni Madam Kilay ang tungkol sa pagreklamo ng kanyang kapitbahay sa kanila ng boyfriend niyang si Michael.

Ibinahagi niya rin ang video kung saan nabagsak niya ang isang mamahaling camera.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel