Madam Kilay, pinayuhan si Queen Inutz kasunod ng pagpirma nito ng kontrata

Madam Kilay, pinayuhan si Queen Inutz kasunod ng pagpirma nito ng kontrata

- Hindi napigilang magbahagi ng kanyang reaksiyon si Madam Kilay matapos lumabas ang balitang pumirma ng kontrata si Queen Inutz sa isang talent agency kamakailan

- Aniya, wala naman siyang masamang masasabi sa talent agency na iyon dahil mababait naman ang mga namamalakad dito

- Gayunpaman, para sa kanya ay sana daw nag-solo nalang ang online seller dahil kayang-kaya naman daw niyang mag-isa kahit walang maghawak sa kanyang management

- Napabilib din si Madam sa husay ng strategy ni Queen Inutz sa pagtitinda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang Facebook live, ibinahagi ni Madam Kilay ang kanyang saloobin matapos pumirma ng kontrata si Queen Inutz sa isang talent agency.

Ayon kay Madam Kilay, wala naman siyang masabing masama tungkol sa talent agency dahil alam niyang mababait naman daw ang mga tao doon.

Madam Kilay, pinayuhan si Queen Inutz kasunod ng pagpirma nito ng kontrata
Madam Kilay (@madamkilay)
Source: Instagram

Gayunpaman aniya, sa dami ng sumusubaybay sa online seller, kakakayanin na nito na siya na lang mag-isa kahit walang management na humawak sa kanya. Dagdag pa niya, dapat nagtanong na lamang muna siya sa mga eksperto sa pag-vlog.

Read also

Donnalyn Bartolome, nilabas ang kanyang sama ng loob kay Jose Hallorina

Ibinahagi niyang halimbawa ang kanyang pag-vlog na kinaya niya kahit solo lang siya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi naman ikinaila ni Madam Kilay na mahusay ang strategy ni Queen Inutz sa kanyang mga online selling videos.

Matatandaang pumirma kamakailan ng kontrata si Queen Inutz sa isang talent agency kasunod ng pag-viral ng kanyang mga online selling videos.

Unang nakilala si Madam Kilay dahil sa kanyang nakakatuwang Facebook Video kung saan iba-iba ang hugis ng kanyang kilay kaya siya tinawag bilang Madam Kilay. Si Jinky Anderson sa totoong buhay ay minsan na ring napanood sa telebisyon nang mapasali siya sa Eat Bulaga at iba pang TV shows.

Kahit kasalukuyang nasa Amerika, marami sa kanyang mga tagasuporta sa Pilipinas ang nasusubaybayan ang mga pangyayari sa kanya. Kamakailan ay ibinahagi ni Madam Kilay ang tungkol sa pagreklamo ng kanyang kapitbahay sa kanila ng boyfriend niyang si Michael.

Read also

Madam Kilay, nanggalaiti sa natanggap na karton imbes na ang inorder na duyan

Ibinahagi niya rin ang video kung saan nabagsak niya ang isang mamahaling camera.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel