Pastor Apollo Quiboloy, nagbabala kaugnay sa pang-uusig at pang-aalipusta umano sa kanya

Pastor Apollo Quiboloy, nagbabala kaugnay sa pang-uusig at pang-aalipusta umano sa kanya

- Matapos ang paglabas ng balitang may kaso laban kay Pastor Apollo Quiboloy, nagbigay siya ng babala

- Aniya ay tigila na ang pang-uusig at pang-aalipusta sa kanya dahil lalong titindi ang pandemya kapag ipagpapatuloy pa ang umano'y binibintang sa kanya

- Pagpapakilala pa lamang umano sa maari pang mangyari ang Delta variant na kinatakutan ng marami

- Dagdag pa niya, sa ginagawa sa kanya ay mas malala pa sa Omicron virus umano ang masasaksihan ng mga tao

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagbigay ng babala si Pastor Apollo Quiboloy kaugnay sa pag-uusig at pang-aalipusta umano sa kaniya. Kapag hindi pa raw titigilan ang ginagawa sa kanya ay mas titindi pa ang pandemya at mas malala pa umano sa Omicron variant ang masasaksihan ng mga tao.

Pastor Apollo Quiboloy, nagbabala kaugnay sa pag-uusig at pang-aalipusta umano sa kaniya
Photo by Felix wong/South China Morning Post via Getty Images
Source: Getty Images
"You want this to stop, stop persecuting, prosecuting, and maligning and falsely accusing the Appointed Son. If you continue that, the world will suffer... Delta variant of the COVID-19 is only an introduction.

Read also

Nagpabakuna kontra COVID-19, nagka-love life at magkasabay na sa kanilang 2nd dose

Aniya, kapag tuloy-tuloy pa rin ang pananakit, at pape-persecute sa kanya na aniya ay "Appointed Son," masasaksihan umano ang mas matindi pa sa kinatatakutang Omicron virus ang mangyayari.

If you keep on hurting, persecuting, and harming the Appointed Son and the Kingdom, you will see much worse than the Omicron virus."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang Omicron variant ng COVID-19 ay unang na-detect sa South Africa at sa kasalukuyan, mayroon na ring nadetect na Omicron variant sa Australia, United Kingdom, Germany, Israel, Italy, the Czech Republic at Hong Kong.

Matatandaang natuklasan ng mga eksperto ang tungkol sa Omicron sa South Africa.

Samatala, kamakailan lang ay isinapubliko ang tungkol sa isinampang kaso kay Quiboloy sa America. Ito ang tinutukoy niyang pang-uusig sa kanya.

Si Apollo Quiboloy ay isinilang sa Davao City. Dati siyang miyembro ng United Pentecostal Church at nang kinalaunan ay nagtatag ng Kingdom of Jesus Christ church.

Read also

Bela Padilla, nilinaw na hindi iiwan ang showbiz: "I have a movie coming out in February"

Si Quiboloy ay isa sa mga pinakakontrobersiyal na pinuno ng simbahab sa bansa dahil na rin sa mga kontrobersiyang kinasangkutan nito. Matatandaang sinampahan siya ng kasong human trafficking ng isa niyang dating miyembro.

Naging usap-usapan din ang pagsalakay ng FBI at pagkaaresto ng ilang mga taga-simbahan ni Quiboloy.

Matatandaang, pinasaringan ni Quiboloy sina Vice Ganda at isa pang lalaking co-host nito sa noontime show kaugnay sa paghamon nito sa kanya.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate