Bela Padilla, nilinaw na hindi iiwan ang showbiz: "I have a movie coming out in February"

Bela Padilla, nilinaw na hindi iiwan ang showbiz: "I have a movie coming out in February"

- Nilinaw ng aktres na si Bela Padilla na hindi niya iiwan ang pag-aartista

- Ito ay matapos na ianunsyo niya kamakailan ang pananatili sa London sa loob ng ilang buwan na

- Marami raw umano siyang natanggap na mensahe na nagtatanong kung tuluyan na nga ba niyang tinalikuran ang showbiz sa pagpirmi sa London

- Aniya, mayroon siyang pelikula na ipalalabas sa Pebrero 2022 at ipinahahanda na umano sa kanya ng Viva ang bagong pelikula na isususlat niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Binigyang linaw ni Bela Padilla ang naibahagi niya kamakailan tungkol sa pananatili niya sa London, ilang buwan na ang nakararaan buhat nang magpandemya.

Nalaman ng KAMI na sa pamamagitan ng isang tweet, naikwento ni Bela na marami umanong nag-direct message sa kanya at nagtatanong kung bakit niya iniwan ang showbiz.

Read also

Barbie Imperial, pinabulaanang nagkasakitan sila ni Diego Loyzaga

Bella Padilla, nilinaw na hindi iiwan ang showbiz: "I have a movie coming out in February"
Bela Padilla (@bela)
Source: Instagram

Ito ay matapos na ibahagi niya kamakailan ang tungkol sa mga kaganapan sa kanyang buhay ngayon sa London.

Tila naalarma ang ilan lalo na ang kanyang fans at followers sa pag-aakalang tuluyan nang lumipat doon ang aktres.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

So, I moved to London a few months ago. And I tried to find my footing first before sharing what it’s really like now, I’m ready to let you in to my life and tell you more about it! Ask me anything you’d like to know about my move and I’ll answer as much as I can in a video.

Paglilinaw ni Bela, hindi niya sinabing "for good" na ang pananatili sa London.

Katunayan, mayroon siyang pelikula na ipalalabas sa Pebrero 2022.

Kwento pa ni Bella, tinawagan na rin siya ng Viva para paghandaan na ang pagsusulat ng bagong pelikula na gagawin nila.

Read also

Shanaia Gomez at iba pang girls sa PBB, sinabing komportable at pinakamalapit sa kanilang Kuya TJ

Narito ang kabuuan na kanyang tweet:

Si Bela Padilla ay isa sa kilalang aktres sa Pilipinas. Isa sa mga pelikula kung saan umani siya ng papuri ay ang “Miracle in Cell No. 7”. Marami rin ang humanga sa kanyang pag-arte sa pelikulang "Isang daang tula para kay Stella" at "On Vodka, Beers and Regrets." Bukod sa pagiging isa sa mga mahuhusay na aktres ng kanyang henerasyon, kilala rin si Bella sa pagiging mahusay na screenwriter.

Matatandaang noong nakaraang taon, hinangaan si Bella dahil sa pagtulong niya sa mga taong higit na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Isa rin si Bella sa dumepensa sa ABS-CBN kaugnay sa kinahaharap nitong franchise renewal crisis.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel