Barbie Imperial, pinabulaanang nagkasakitan sila ni Diego Loyzaga

Barbie Imperial, pinabulaanang nagkasakitan sila ni Diego Loyzaga

- Sa isang panayam ay minabuti ni Barbie Imperial na linawin ang lumabas na isyu na umano'y nagkasakitan sila ni Diego Loyzaga

- Nilinaw niyang walang katotohanang humantong sa pisikalan ang sinasabing pag-aaway umano nila

- Aniya, mismong siya ang nagdala kay Diego sa ospital matapos ang aksidente upang matahi ang sugat nito sa kamay

- Ito ay matapos siyang maaksidente umano ang kanyang boyfriend sa gym at hindi dahil nagkapisikalan sila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang ulat ng PUSH, nilinaw ni Barbie Imperial na walang katotohanan ang pinalalabas na kwentong nagkapisikalan umano sila ni Diego Loyzaga kaya sila may mga pasa at sugat sa ibinahaging litrato nila sa Instagram.

Barbie Imperial, pinabulaanang nagkasakitan sila ni Diego Loyzaga
Diego Loyzaga (@diegoloyzaga)
Source: Instagram

Ayon kay Barbie, mismong siya ang nagsugod kay Diego sa ospital noong madisgrasya ito sa gym. Tinahi pa raw ang natamong sugat ng boyfriend.

Read also

Alex Gonzaga, binahagi ang kanilang anniversary dinner date ni Mikee Morada

Bilang patunay, marami umanong may alam din sa nangyari kay Diego, maging ang co-owner ni Gerald Anderson sa kanilang gym.

Ang daming may alam kung ano ‘yung nangyari sa kamay ni Diego kasi may mga tao sa gym. Even si kuya Joe [Vargas], ‘yung part-owner ni Gerald Anderson sa Th3rd Floor, alam nila kung ano nangyari kay Diego. Kasi tinext pa nila si Diego kung anong nangyari, anong dumbbell, anong ganito,”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon pa kay Barbie, hindi sila apektado ni Diego sa inilabas na isyu ni Xian Gaza. Gayunpaman, napatanong umano sila kung bakit ganun ang ginagawa ni Xian sa kanila. Napagtanto umano nilang ganoon talaga pag masaya sila. Susubukang sirain iyon ng mga taong aniya ay insecure.

Si Carlos Diego Loyzaga o mas kilala bilang Diego Loyzaga ay isang aktor, modelo at video jockey. Anak siya ni Tereza Loyzaga at Cesar Montano. Matatandaang pansamantalang tumigil sa pag-aartista si Diego matapos dumaan sa depresyon. Ito ay nangyari sa kalagitnaan ng seryeng "Los Bastardos" kung saan isa siya sa bida.

Read also

Samantha Bernardo, binigyan ng isang puntos si Kyle dahil sa 'di pagtulong sa gawaing bahay

Kinakiligan ng marami ang mensahe ni Diego kay Barbie na nagpapasalamat sa pagbigay umano nito ng kulay sa huling bahagi ng kanyang 2020.

Kasunod nito ay inamin din ni Barbie ang tungkol sa kanilang relasyon na aniya ay hindi niya inasahan dahil sila ay nagsimula sa pagkakaibigan. Pinasalamatan din ni Barbie si Diego dahil sa pagmamahal at pagpapasaya nito sa kanya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel