Alex Gonzaga, binahagi ang kanilang anniversary dinner date ni Mikee Morada

Alex Gonzaga, binahagi ang kanilang anniversary dinner date ni Mikee Morada

- Para sa kanilang unang taon bilang mag-asawa, ibinahagi ni Alex Gonzaga ang kanilang dinner date ng asawa niyang si Mikee Morada

- Kumain sila sa isang mamahaling restaurant sa Tagaytay kasama ang Uncle Jojo ni Alex

- PS5 ang napiling reaglo ni Alex sa kanyang mister dahil naghanap umano ito kamakailan at sa tingin niya ay para makalimot ito kahit papaano sa naudlot niyang pagbubuntis

- Isang kwintas naman ang regalo ni Mikee para kay Alex at nagustuhan daw niya ang kwintas na bigay ng kanyang mister

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ibinahagi ni Alex Gonzaga ang kanilang anniversary dinner date ni Mikee Morada sa kanilang paggunita ng kanilang unang taon bilang mag-asawa. Habang nasa daan ay sinagot ni Mikee ang ilang mga katanungan ni Alex.

Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)
Alex Gonzaga, binahagi ang kanilang anniversary dinner date ni Mikee Morada
Source: Instagram

Kabilang sa naitanong ni Alex ay kung ano ang maituturing ni Mikee na greatest achievement nito. Para kay Alex, achievement sa kanya na nabuntis siya kahit hindi man ito natuloy. Aniya, kahit papaano ay nalaman niyang pwede pala siyang magbuntis.

Read also

Vice Ganda, kinompleto na ang gamit sa binigay niyang bahay sa kanyang pamilya

Para kay Mikee, "happy" ang kanyang pagsasalarawan sa kanilang marriage. Para naman kay Alex, "blessed" ang kanilang marriage.

PS5 ang napiling reaglo ni Alex sa kanyang mister dahil naghanap umano ito kamakailan at sa tingin niya ay para makalimot ito kahit papaano sa naudlot niyang pagbubuntis. Isang kwintas naman ang regalo ni Mikee para kay Alex at nagustuhan daw niya ang kwintas na bigay ng kanyang mister.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang reaksiyon ng mga netizens:

heers to one year of happy, blessed marriage and more!! Congrats sainyong dalawa!! Magiging parents din kayo sa takdang panahon Alex and Mikee at for sure magiging mabuting magulang kayo sa (mga) anak nyo. God bless lagi sainyo!
Ang galing, parang nakaraang buwan lang kayo kinasal ngayon one year na pala.
Grabe ang bilis naman, parang kahapon lang yung panonood namin ng wedding niyo ate Alex! Happy Anniversary, God bless u both!

Read also

Barbie Imperial, pinabulaanang nagkasakitan sila ni Diego Loyzaga

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 11 million na subscribers sa kasalukuyan.

Naibahagi kamakailan ni Alex ang kanyang karanasang mahablutan ng cellphone habang nasa EDSA. Nabawi naman niya ang kanyang telepono.

Samantala, kamakailan ay naging usap-usapan ang pagbigay ni Alex ng isang motorsiklo sa isang 12-anyos na bata na isang Valedictorian.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel