Vice Ganda, kinompleto na ang gamit sa binigay niyang bahay sa kanyang pamilya

Vice Ganda, kinompleto na ang gamit sa binigay niyang bahay sa kanyang pamilya

- Matapos niyang sorpresahin kamakailan ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanila ng regalo niyang bahay, muling sinorpresa ni Vice Ganda ang pamilya

- Sa pagkakataong ito ay kinompleto na niya ang gamit sa loob ng bahay na kanyang binigay

- Matatandaang sa nauang video niya, sinabi niyang dahil sa mga pangyayari nitong pandemya, napagtanto niyang gusto niyang pasayahin ang kanyang mahal sa buhay habang may oras siya

- Aniya, maari naman niyang kitain muli ang pera kaya gusto niyang itodo ang pagpapasaya sa kanyang pamilya at kanyang nanay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bakas sa mukha ng ina ni Vice Ganda ang saya nang muli silang sorpresahin ni Vice Ganda. Kinompleto na nito ang mga gamit sa loob ng bahay at handa na itong lipatan at tirhan. Ito ang bahay na nauna na niyang naipakita sa kanyang vlog.

Read also

Amy Perez, sa kanyang isang buwang pamamahinga: "Nauubos na pala ako"

Vice Ganda, kinompleto na ang gamit sa binigay niyang bahay sa kanyang pamilya
Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Bukod tangi naman ang wallpaper sa loob ng silid ng kanyang nanay dahil sinunod umano nila ang gusto nitong floral na disenyo ng kanyang wallpaper.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami ang lalong humanga kay Vice dahil kahit malayo na ang narating niya ay nananatili ang kanyang pagpapahalaga sa kanyang pamilya:

Napakabuti talaga ni Vice, lalong lalo na sa pamilya niya, grabe sobrang ganda nang bahay ❤️ sana someday makapagpatayo din ako nang ganyang kagandang bahay para sa parents ko
For me, this vlog is very inspiring especially to the youth. VG show his loved for his family by this house and everything. His care and love for his family is beyond words.
The best part of this vlog is that hindi siya nakakainggit, nakakainspire siya. The positive energy thou. At yung humbleness ng family ni Vice remained despite how high already they've achieved as a family.

Read also

Jennica Garcia, binura ang mga pictures sa IG matapos makatanggap ng message mula sa ama

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime.

Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Matatandaang muling naging kontrobersiyal si Vice Ganda at karelasyon nitong si Ion Perez kamakailan matapos madawit ang mga ito sa patutsada ni Buknoy Glamurrr at kaibigan nitong si Gabo laban kay Awra Briguela.

Maging ang kanyang vlog kung saan pinakita niya ang ilan sa pinakapaborito niyang sapatos sa kanyang shoe collection ay lumikha ng ingay sa mga netizens.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel