FBI, inaresto ang tauhan sa simbahan ni Pastor Quiboloy matapos ito salakayin

FBI, inaresto ang tauhan sa simbahan ni Pastor Quiboloy matapos ito salakayin

- Sinalakay ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ang simbahan ng Kingdom of Jesus Christ ngayong Miyerkules

- Inaresto ng FBI ang tatlong administrador ng simbahan ni Pastor Apollo Quiboloy sa Los Angeles

- Ayon sa awtoridad, may kinalaman sa human trafficking umano ang simbahan ni Pastor Quiboloy

- Ang mga nagsumbong umano sa awtoridad ay dating migrante na naging biktima rin umano ng simbahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tatlong administrador ng simbahan ni Pastor Apollo Quiboloy na Kingdom of Jesus Christ ang inaresto ngayong Miyerkules.

Nalaman ng KAMI na sinalakay ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ang simbahan ni Pastor Quiboloy sa Los Angeles.

Ayon sa ulat ng Inquirer, inaresto ang tatlong namumuno ng simbahan dahil sa diumano’y human trafficking charges na may kinalaman sa isang fundraising scam nila.

"'Yung tatlong hawak namin ngayong araw ay dinakip para sa papel nila sa immigration fraud. Ang paniwala namin, kinukuha nila ang mga pasaporte ng ilang indibidwal na pumapasok sa Estados Unidos mula sa Pilipinas," giit ni FBI spokesperson Iaura Eimiller.

Isa sa mga inaresto si Guia Cabactula, ang tinuturing na “top official” ng simbahan. Inareseto rin sina Marissa Duena, ang diumano’y humahawak ng mga immigration documents at nagtatago ng mga passport ng mga biktima at si Amanda Estorape na diumano’y humahawak ng mga pera at fundraising ng simbahan.

Ayon sa ibang mga ulat, ang nagsumbong sa mga awtoridad ay ang mga migranteng nakatakas mula sa simbahan matapos umano sila ipadala sa iba’t ibang parte ng Estados Unidos upang manghingi ng donasyon para sa simbahan.

Giit ng mga biktima, nakaranas umano sila ng pang-aabusong sikolohikal at pisikal sa tuwing hindi sila nakakaabot sa quota.

"Pinepwersa nila ang mga taong ito, minsan para magtrabaho buong araw, para mangolekta ng perang pupunta dapat sa mahihirap na bata sa Pilipinas, pero ang totoo ay napupunta lang 'yun sa maluhong pamumuhay ng mga pinuno nila," ani ng FBI spokesperson.

Sa ulat ng ABS-CBN News, nagkomento naman ang Malacañang sa raid na isinagawa ng FBI sa simbahan ni Pastor Quiboloy.

“If the raid is legitimate then we cannot complain on that,” giit ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

“You must remember that if a crime is committed in any country then the laws of that country will have to be followed. We have to respect them the way we ask them to respect ours,” dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Noong 2008, pansamantalang hindi pinaalis ang pastor sa Honolulu Airport matapos makakuha ng $350,000 ang mga federal agents sa kanyang private plane.

Si Pastor Apollo Quiboloy ay ang founder at lider ng Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name. Siya ay isa sa mga malapit na kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel