OFW na kumanta sa mall sa Dubai, nagulat nang pinalakpakan ng mga nanonood sa kanya

OFW na kumanta sa mall sa Dubai, nagulat nang pinalakpakan ng mga nanonood sa kanya

- Isang kababayan natin sa Dubai ang hinangaan ng mga tagaroon nang kumanta ito sa mall

- Isa niyang katrabaho umano ang nagsabing kumanta siya sa entrance ng mall gayung mayroon silang ipo-promote na bagong microphone

- Kinanta ng OFW ang 'Because You Loved Me" ni Celine Dion at marami ang humanga sa kanya sa husay ng pagkaka-awit niya nito

- Maging siya ay nagulat nang makitang marami nang mallgoers ang nanonood, pumapalakpak at nagbi-video pa sa kanya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami ang bumilib sa isang Pinay sa Dubai nang kumanta ito sa Mall of the Emirates (MOE).

Nalaman ng KAMI na isa umanong katrabaho ni Jinky Banzon o mas kilala bilang si Astig Diva Usher ang nagpakanta sa kanya sa nasabing mall bilang bahagi ng promotion ng isang bagong microphone.

Read also

KD Estrada, nag-walk out nang maging nominado muli sa ikatlong pagkakataon

Napiling kantahin ni "Astig Diva" ang 'Because You Loved Me' ni Celine Dion.

OFW na kumanta sa mall sa Dubai, nagulat nang pinalakpakan ng mga nanonood sa kanya
Jinky Banzon (Photo: Astig Diva Usher)
Source: Facebook

Kapansin-pansin na walang kahirap-hirap niya itong kinanta at kaboses niya halos umano ang orihinal na umawit nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil dito, mapapansing napapatigil talaga ang mga mallgoers habang iba ay nakuha pa siyang i-video.

Kaya naman nang siya ay lumingon, laking gulat niya sa dami ng taong nanonood sa kanya at nagpapalakpakan.

Ang iba naman, hindi napigilang lapitan siya para sabihin kung gaano siya kahusay na umawit.

Narito ang kabuuan ng video mula mismo sa FB page ni Astig Diva Usher:

Kamakailan, naibahagi rin ng KAMI ang kwento ng isang OFW na emosyonal nang makauwi sa Pilipinas at makita sa kauna-unahang pagkakataon ang kanyang ipinundar na bahay at iba pang mga ari-arian.

Ang iba, sagana sa mga regalo at mga bagay na binibili sa kanila ng kanilang amo lalo na ngayong pandemya na talaga namang hindi sila pinabayaan.

Read also

Madam Inutz, binigyan ng 2 puntos si Chie dahil wala raw naiaambag sa kanila

Nakatutuwang malaman na marami na sa ating mga kababayang OFW ay unti-unti nang naaabot ang mga pangarap nila sa buhay sa kabila ng matitinding dagok na kanilang napagdaanan.

Ang ilan, negosyong payayabungin ang talagang inuna nilang ipundar upang agad din silang makabalik sa Pilipinas at hindi na muling iwan pa ang kanilang mga mahal sa buhay.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica