Fruit vendor na naka-laptop habang naglalako, dumadalo pala ng kanyang online classes

Fruit vendor na naka-laptop habang naglalako, dumadalo pala ng kanyang online classes

- Marami ang bumilib sa isang estudyante na isa rin palang fruit vendor

- Namangha sa kanya ang isa sa mga naging customer niya gayung nagagawang pagsabayin ng vendor ang paglalako at ang pag-aaral

- Napansin kasi ng customer na may laptop ang tindero at may makakapal na papel na mga modules pala nito

- Ibinahagi ng netizen ang larawan upang magbigay aral at inspirasyon sa mga kabataan ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nag-viral ang post tungkol sa isang fruit vendor na si Mike na isa rin palang estudyante.

Nalaman ng KAMI na isa sa mga naging customer niya na si Benj Gonzales ang namangha sa diskarte sa buhay ng fruit vendor.

Naikwento ni Benj sa PEP, sa palengke niya sana bibilhan ng prutas ang kanyang misis.

Fruit vendor na naka-laptop habang naglalako, dumadalo pala ng kanyang online classes
Fruit vendor na naka-laptop habang naglalako, dumadalo pala ng kanyang online classes (Photo from Benj Gonzales)
Source: Facebook

Ngunit nang makita niya ang fruit vendor na si Mike sa kanyang kariton, pinili niyang doon na bumili.

Read also

7-Eleven PH, naglabas na ng pahayag sa issue kaugnay sa presidential cups

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakita rin niya ang gamit nitong laptop at ang makakapal na papel na pawang mga modules pala nito para sa kanyang pag-aaral.

Labis na humanga si Benj sa sipag at sa dedikasyon ni Mike na nagagawang pagsabayin ang trabaho at ang pag-aaral. Hindi rin nito iniinda ang init ng araw gayung nasa labas siya nagtitinda habang iniintindi rin ang kanyang klase.

Dahil sa pangyayaring ito, naging kaibigan na rin ni Benj ang mga magulang ni Mike. Naging suki na rin siya ng mga panindang prutas ng mga ito.

Hiling ni Benj na kapulutan sana umano ng araw ang naturang post lalo na sa mga estudyante ngayon na hindi maiwasang magreklamo sa dami raw umano ng ginagawang module.

Kahanga-hanga ang mga working student na dala ng hirap ng buhay, kinakailangan nilang pagsabayin ang pag-aaral at ang pagtatrabaho.

Read also

Military reserves sa Ukraine, nagawang magpakasal sa gitna ng kaguluhan

Kamakailan ay hinangaan din ng marami ang isang delivery rider na nagagawa pa ring dumalo ng kanyang online classes habang rumaraket sa pagtatrabaho. Gayundin ang isang working student sa isang fast food chain na ginugugol ang kanyang breaktime sa pagdalo ng kanyang online classes.

Distance learning man ang sistema ng edukasyon ngayong panuruang taon bilang pag-iingat sa COVID-19, marami pa ring mag-aaral ang hinarap ang hamon na ito sa tulong ng kanilang mga magulang masiguro lamang na tuloy-tuloy pa rin ang edukasyon sa kabila ng pandemya.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica