Video ng BF na hinimatay muna bago mag-propose sa nobya, nagpakilig sa netizens
- Kinagiliwan online ang kakaibang wedding proposal ng nobyo sa kanyang girlfriend
- Pinakaba niya muna ito nang magpanggap na hinimatay bago siya mag-propose sa nobya
- Kasabwat ng lalake ang mga kaanak ng kanyang GF na nakisakay sa eksena ng kanyang wedding proposal
- Kaya naman laking gulat ng babae nang biglang nagising ang kanyang BF sabay luhod at labas ng singsing at itinuro ang banner na may katagang 'will you marry me'
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Viral ngayon ang kakaibang wedding proposal ni Ronald Marcelino Lapinig sa kanyang girlfriend na si Maricar Reyes.
Nalaman ng KAMI na ang kapatid ni Maricar na si Missy ang nagbahagi ng video kung saan makikitang hinimatay si Ronald habang nasa labas ng tahanan ng kanyang nobya.
Iyon pala, kasabwat na niya ito para sa gagawing wedding proposal kay Maricar.
Game na game naman ang mga kaanak ng babae na sinakyan ang eksena at agad na sumaklolo kay Ronald.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Makikita ang labis na pag-aalala ni Maricar na agad na nilapitan si Ronald na noo'y nakapikit at naghihintay na lamang ng tyempo.
Hindi nagtagal, nagmulat na ng mga mata si Ronald sabay luhod at labas ng singsing.
Itinuro naman ng mga kasabwat na kaanak ang banner na may nakasulat na 'Will you marry me?' kay Maricar at agad naman itong sumagot ng oo.
Narito ang kabuaan ng nakakaaliw na proposal:
Maging ang mga celebrity couples ay may kakaiba rin na mga eksena sa kanilang engagement.
Matatandaang naikwento nina Angel Locsin at ngayo'y asawa na niyang si Neil Arce na nadoble ang engagement ring ni Angel sa pag-aakalang nawala ang orihinal nito. Kumuha sila ng halos kaparehong singsing subalit nakita pa rin naman ang totoo at ang ginamit sa pagpropose ni Neil kay Angel sa harap ng pamilya nito.
Sa mismong civil wedding nila ang engagement ring na ito ang ginamit ni Angel gayung wala silang dalang mga singsing sa seremonya. Si Neil naman, hiniram muna ang singsing ng kanyang binatilyong anak para lang may magamit na wedding ring sa araw na iyon.
Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Source: KAMI.com.gh