Basel Manadil, binigyan ng trabaho ang magkapatid na nais ipagamot ang ina

Basel Manadil, binigyan ng trabaho ang magkapatid na nais ipagamot ang ina

- Natulungan ni Basel Manadil ang magkapatid na magkaroon ng hanapbuhay

- Matagal nang subscriber ni Basel ang mag-iina at nais nga siyang makilala ng mga ito upang humingi ng tulong

- Lalo na nang malaman ni Basel na may karamdaman pala ang ina ng magkapatid, binigyan na rin niya ang mga ito ng trabaho

- Nag-abot din si Basel ng paunang tulong para mayroong panggastos ang mag-iina

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dumayo pa mula Mindanao patungong Las Piñas City ang mag-iina na nais na makita at makilala ang matulungin na vlogger na si Basel Manadil o mas kilala bilang si "The Hungry Syrian Wanderer."

Nalaman ng KAMI na nais din kasing humingi ng tulong ng dalawang lalaki kay Basel gayung nais nilang ipagamot ang ina na mayroong eye tumor.

Kwento ng binatang si Jasem at ng kanyang kapatid, nais sana nilang magkaroon ng pampagamot ang ina na subscriber na ni Basel noong taong 2018.

Read also

Ivana Alawi, handang ubusin ang pera gumaling lang ang kapatid na si Mona Alawi

Basel Manadil, binigyan ng trabaho ang magkapatid na nais ipagamot ang ina
Basel Manadil (Photo: The Hungry Syrian Wanderer)
Source: Instagram

Humahanga na sila noon kay Basel gayung kitang-kita nila ang sinseridad nito sa pagtulong. Naluluha pa nga ang ina habang ikinikwento ito sa vlogger.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon naman kay Basel, wala siyang pinipiling tao pagdating sa pagtulong.

"When I help, I don't choose. Alam mo, kahit ano, Muslim ka, Christian ka, kahit wala sa religion. When I help, I help as a human," paliwanag ni Basel.

Hindi naman niya binigo ang mag-iina na sinadya pa niya talagang bisitahin sa kanilang tahanan.

Bukod sa iniabot niyang paunang tulong sa mga ito, bibigyan niya ng trabaho ang magkapatid para masiguro ang patuloy na pagpapagamot ng kanilang ina na mayroong eye tumor.

Nakakatulong din ang magkapatid sa kanilang ama na bagama't mayroong trabaho, hindi ito sasapat sa gastusin nilang mag-anak.

Read also

RR Enriquez, ibinida ang natural na kagandahan ni Pau Fajardo na aniya'y ikinamangha niya

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel na The Hungry Syrian Wanderer:

Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na YouTuber na piniling manirahan sa ating bansa.

Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO Retro Diner.

Kamakailan, nabiyayaan ni Basel ng motorsiklo ang isang delivery rider na napansin niyang bike lamang ang gamit sa pagtatrabaho.

Gayundin ang kanya mismong kasambahay na nagulat nang makitang iPhone 12 pala ang handog sa kanya ni Basel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica