Robert Bolick, nilinaw na hindi siya inagaw ng kanyang asawa

Robert Bolick, nilinaw na hindi siya inagaw ng kanyang asawa

- Sa isang mahabang post, pinagtanggol ng basketbolistang si Robert Bolick ang kanyang asawang si Cassandra Yu

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Nilinaw nito na walang katotohanan ang akusasyon sa asawa niya na inagaw lang siya nito

- Aniya, mismong siya ang nag-desisyon na makipagkita na sa iba dahil aniya ay wala naman na sila ng dati niyang karelasyon na si Aby Maraño

- Matatandaang naging usap-usapan ang pagbabahagi ng picture ni Bolick noong nakaraang taon kasama si Cassandra

Dalawang araw matapos siyang ikasal kay Cassandra Yu, pinagtanggol ng basketbolistang si Robert Bolick ang kanyang asawa. Aniya, desisyon niyang makipagkita sa iba dahil hiwalay na umano sila ni Aby.

Robert Bolick, nilinaw na hindi siya inagaw ng kanyang asawa
Robert Bolick (@babesbolick)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Herlene 'Hipon Girl' Budol, emosyonal sa makulit na birthday message niya kay Sir Wil

Aniya, walang inagaw ang kanyang misis at nagpapasalamat siyang dumating ito sa buhay niya. Inamin niya ding may kasalanan din siya ngunit aniya ay may kasalanan din si Aby.

Nag papasalamat ako na dumating asawa ko ngayon wala naman talaga siya kinalaman eh di naman ng agaw never ngyare yun eh decision ko talaga na makipag kita na sa iba kasi wala na tayo eh alam mo kasalanan mo tanggapin mo at alam ko rin kasalanan ko at tinaggap ko yun pinag dasal ko rin sa diyos yun kasi normal tao tayo nag kakamali ganun talaga buhay for sure may dadating sa buhay mo na para sayo at sana mahanap mo yun.

Sa kabila ng mga naging reaksiyon ng kanyang pamilya sa kanyang bagong relasyon, sinabi niyang kasalanan niya rin ito dahil hindi niya nasabi ang lahat ng nangyari umano.

Sa aking pamilya mahal na mahal ko kayo di niyo lang talaga alam ngyayare for sure kasalanan ko kasi di ako nag sabi pero paano mo sabihin mga ganung bagay sa pamilya mo? pero kahit ganun paman mahal na mahal ko kayo at welcome kayo sa buhay namin ni cassandra at sa magiging anak namin in the future.

Read also

Ivana Alawi, makulit na nakipagtawaran sa tindera sa Thailand

Si Robert Lee E. Bolick Jr. ay isang Filipino professional basketball player na naglalaro sa koponang NorthPort Batang Pier ng Philippine Basketball Association. Naging manlalaro sin siya ng San Beda Red Lions sa National Collegiate Athletic Association. Siya ay naglalaro bilang point guard at shooting guard position.

Matatandaang naging usap-usapan din ang paglabas ng balitang ikinasal na ang basketbolistang si Scottie Thompson dahil marami ang nabigla na ikinasal ito sa ibang babae.

Bago lumabas ang balita tungkol sa kanyang pagpapakasal ay ang kanyang long-time girlfriend na si Pau Fajardo ang alam ng publiko na kanyang papakasalan matapos nilang ma-engaged.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel