Robert Bolick, kinasal na sa kanyang kasintahang si Cassandara Yu

Robert Bolick, kinasal na sa kanyang kasintahang si Cassandara Yu

- Sa kanyang Instagram story, binahagi ng basketbolistang si Robert Bolick ang video kung saan pinakita niya ang kanyang singsing

- Sa kanyang Instagram post ay binahagi ni Cassandra Yu ang picture nila na kuha sa kanilang pagpapakasal

- Base sa nakalagay na petsa sa post ni Cassandra, ikinasal ang dalawa kahapon, May 22, 2022 sa Office of the City Mayor sa Cebu

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Matatandaang nitong unang araw ng Enero ng kasalukuyang taon isinapubliko ni Bolick ang tungkol sa engagement nila ni Cassandra

Ikinasal na rin ang basketbolistang si Robert Bolick sa kanyang fiancée na si Cassandra Yu. Sa kanyang Instagram post ay binahagi ni Cassandra ang picture nila na kuha sa kanilang pagpapakasal nitong May 22, 2022 sa Office of the City Mayor sa Cebu.

Read also

Loisa Andalio, sinabing okay lang siya matapos matumba nang mag-cheer para kay Ronnie Alonte

Robert Bolick, kinasal na sa kanyang kasintahang si Cassandara Yu
Robert Bolick (@babesbolick)
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram story, binahagi ng basketbolista ang video kung saan pinakita niya ang kanyang singsing. Ni-repost niya ito mula sa IG story ni Cassandra.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang nitong January 1, 2022 ay binahagi ni Bolick sa publiko ang tungkol sa kanilang engagement.

Para naman kay Cassandra, maituturing niya umanong pinakamadaling yes ang kanyang pagpayag sa engagement proposal ni Robert. Maituturing niya rin daw na greatest plot twist niya ito nitong nakaraang taon.

Noong nakaraang taon ay mainit na pinag-uusapan sa social media ang basketbolista at ang dati nitong kasintahan na si Aby Maraño matapos mapansin ng mga netizens at basketball fans ang social media posts ng basketbolista. Walong taon naging magkarelasyon sina Robert at Aby kaya marami sa mga basketball fans ang nagulat sa mga post ng basketbolista kung saan kasama niya si Cassandra.

Read also

Alex Gonzaga at Luis Manzano, kinaaliwan sa kanilang bardagulan

Si Robert Lee E. Bolick Jr. ay isang Filipino professional basketball player na naglalaro sa koponang NorthPort Batang Pier ng Philippine Basketball Association. Naging manlalaro sin siya ng San Beda Red Lions sa National Collegiate Athletic Association. Siya ay naglalaro bilang point guard at shooting guard position.

Matatandaang naging usap-usapan din ang paglabas ng balitang ikinasal na ang basketbolistang si Scottie Thompson dahil marami ang nabigla na ikinasal ito sa ibang babae. Bago lumabas ang balita tungkol sa kanyang pagpapakasal ay ang kanyang long-time girlfriend na si Pau Fajardo ang alam ng publiko na kanyang papakasalan matapos nilang ma-engaged.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel