Loisa Andalio, sinabing okay lang siya matapos matumba nang mag-cheer para kay Ronnie Alonte

Loisa Andalio, sinabing okay lang siya matapos matumba nang mag-cheer para kay Ronnie Alonte

- Viral sa social media ang video clip kung saan tuwang-tuwa si Loisa Andalio nang makapuntos ang boyfriend na si Ronnie Alonte

- Ito ay sa naganap na Star Magic All-Star Games kung saan isa si Ronnie sa mga naglaro ng basketball

- Sa sobrang tuwa nito na nakapuntos ang boyfriend ay natumba ito ngunit agad ding nakatayo

- Sa isang tweet ay pabiro niyang sinabi na okay lang siya at kalakip ng kanyang tweet ay ang video ng kanyang pagkatumba

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami ang naaliw sa video clip na kumalat sa social media kung saan makikita ang pag talon-talon ni Loisa Andalio matapos makapuntos ang boyfriend nitong si Ronnie Alonte. Naganap ito sa Star Magic All-Star Games kung saan isa si Ronnie sa mga naglaro ng basketball.

Loisa Andalio, sinabing okay lang siya matapos matumba nang mag-cheer para kay Ronnie Alonte
Loisa Andalio and Ronnie Alonte (Photo: @iamr2alonte)
Source: Instagram

Sa sobrang pag-cheer ni Loisa ay nawalan ito ng balanse at natumba. Agad naman siyang nakatayo. Sa isang tweet ay pabiro niyang sinabi na okay lang siya at kalakip ng kanyang tweet ay ang video ng kanyang pagkatumba.

Read also

Robert Bolick, kinasal na sa kanyang kasintahang si Cassandara Yu

Marami naman sa kanilang mga tagasuporta at tagahanga ang natuwa sa pagiging supportive nito kay Ronnie:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

You're so cute and effortlessly funny mhie! Sobrang hyper and supportive mo talaga. We love you best girl! Diko kinekeri ang energy ng loisa!
@iamAndalioLoisa being the best girl and girlfriend that she is! sobrang sweet at caring niya kay @iamr2alonte sa buong laro! Grabe ang masasabi ko lang, sana all may Loisa Andalio!
Iba talagang sumuporta ang Isang Loisa Andalio! Grabe! Manalo o Matalo basta Panalo sa puso ni Loisa Andalio! Hanggang ngayon sobrang supportive girlfriend mo padin love. Nag iisa talaga ang Loisa. Ang hataw ng lag checheer mo grabee yon!

Si Loisa Andalio o Josefina Loisa Francisco Andalio sa totoong buhay ay isang Filipino actress at dancer. Naging bahagi siya ng Pinoy Big Brother: All In, kung saan nakilala siya bilang ang "Talented Darling ng Parañaque".

Ang kanyang boyfriend na si Si Ronnie Alonte ay nakilala bilang isa sa miyembro ng all male dance group na napanuod noon sa It's Showtime, ang Hashtags kung saan kasama niya sina Nikko Natividad, Zeus Collins, Ryle Santiago, McCoy de Leon, Kid Yambao at Marami pang iba.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel