Alex Gonzaga at Luis Manzano, kinaaliwan sa kanilang bardagulan

Alex Gonzaga at Luis Manzano, kinaaliwan sa kanilang bardagulan

- Muling kinaaliwan ang biruan ng magkaibigang Alex Gonzaga at Luis Manzano

- Ito ay matapos magkomento ni Alex sa Instagram post ni Luis kung saan inilabas nito ang kanyang reaksiyon sa meme kung saan pinagkatuwaan ang hugis ng kanyang mukha

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Makikita sa meme na ipinalit sa barkong Titanic ang kanyang ulo na binaliktad at hirit ni Alex ay nakaka-offend umano ito sa Titanic

- Bwelta naman ni Luis, ang baba ni Alex ang iceberg na nagpalubog sa Titanic

Muling nagkabardagulan ang magkaibigang Luis Manzano at Alex Gonzaga. Ito ay matapos magkomento ni Alex sa Instagram post ni Luis kung saan inilabas nito ang kanyang reaksiyon sa meme kung saan pinagkatuwaan ang hugis ng kanyang mukha.

Alex Gonzaga at Luis Manzano, kinaaliwan sa kanilang bardagulan
Alex Gonzaga (@(@cathygonzaga)
Source: Instagram

Sa Instagram post ni Luis, makikita sa meme na ipinalit sa barkong Titanic ang kanyang ulo na binaliktad at hirit ni Alex ay nakaka-offend umano ito sa Titanic.

Read also

Robert Bolick, kinasal na sa kanyang kasintahang si Cassandara Yu

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bwelta naman ni Luis, ang baba ni Alex ang iceberg na nagpalubog sa Titanic.

Agaw-pansin ang sagutanng ito nina Luis at Alex na kinaaliwan ng mga netizens. Bilang malapit na magkaibigan, natural na sa dalawa ang matinding biruan sa social media.

Matagal nang magkaibigan ang dalawa at isa sa inaabangan ng mga tao sa social media posts nila ay ang mga biruan at patusadahan ng dalawa na nagkasama sa ilang mga palabas, Nagkasama din sila sa "I Can See Your Voice" kung saan si Luis ang host.

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 12.2 million na subscribers sa kasalukuyan.

Read also

Huling eksena ni Susan Roces sa FPJ: Ang Probinsyano, binalikan

Naibahagi kamakailan ni Alex ang kanyang karanasang mahablutan ng cellphone habang nasa EDSA. Nabawi naman niya ang kanyang telepono at minabuti niyang patawarin na lamang ang snatcher.

Samantala, matapos lumabas ang bali-balitang nakunan si Alex, binahagi nila ng kanyang asawa ang tungkol sa pangayayari. Kinumpirma nilang hindi natuloy ang kanyang pagbubuntis at naging emosyonal sila lalo at masayang-masaya sila sa pag-aakalang magkakaroon na sila ng anak.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel