Scottie Thompson, ibinida ang kanyang misis na si Jinky Serrano sa Instagram
- Sa unang pagkakataon ay pinakita ni Scottie Thompson sa kanyang social media account ang kanyang misis na si Jinky Serrano
- Sa kanyang Instagram Story, ipinakita niya ang kanyang asawa na tinawag niyang "love"
- Ito ang unang pagkakataon na ipinakita niya sa kanyang social media account ang maybahay niya
- Matatandaang nabalot ng kontrobersiya ang balita tungkol sa kanilang pagpapakasal dahil marami ang nagulat na hindi ang ex-fiancée na si Pau Fajardo ang kanyang pinakasalan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Tila handa nang isapubliko ni Scottie Thompson ang tungkol sa kanyang asawang si Jinky Serrano. Sa unang pagkakataon mula nang lumabas ang balita tungkol sa kanilang kasal, ipinakita ni Scottie ang kanyang misis sa kanyang Instagram Story.
Makikitang humihiwa ng steak si Jinky habang kinukuhanan siya ng video ni Scottie at tinawag itong love para tumingin ito sa camera na ginawa naman ng kanyang maybahay.
Matatandaang nabahiran ng kontrobersiya ang dapat sana'y espesyal na araw para sa kanila matapos lumabas ang balita tungkol sa kanilang pag-iisang dibdib.
Marami ang nagulat dahil marami ang umaasa na kay Pau Fajardo siya ikakasal na kanyang long-time girlfriend at naging fiancée niya matapos niyang mag-propose nitong Enero ng kasalukuyang taon.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Earl Scottie Carreon Thompson ay isang Filipino professional basketball player para sa koponang Barangay Ginebra San Miguel na kabilang sa Philippine Basketball Association.
Nagsimula siyang maglaro ng basketball habang siya ay elementary pa lamang at naging bahagi siya ng Palarong Pambansa bilang kinatawan ng Region XI noong siya ay nasa High School na. Napili din siyang mapasama sa Nike Elite Camp.
Naglaro siya sa koponan ng University of Perpetual Help sa National Collegiate Athletic Association (NCAA).
Samantala, ilan sa prominenteng basketbolista ang nag-anunsiyo ng kanilang pagretiro kamakailan. Kabilang sina JC Intal at Marc Pingris sa nag-anunsiyo ng kanilang pagretiro.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh