Ina ni Robert Bolick, sinabing nagpakasal ang anak nila nang hindi nila alam

Ina ni Robert Bolick, sinabing nagpakasal ang anak nila nang hindi nila alam

- Usap-usapan ang naging komento ng ina ng basketbolistang si Robert Bolick kaugnay sa pagpapakasal nito

- Sa isang post sa Facebook ng isang digital newspaper, hindi napigilang magkomento ng ina ng basketbolista

- Anito, hindi nila alam na ikakasal ang kanilang anak at diretsahan din nitong sinabi na hindi niya gusto ang napangasawa ng anak niya

- Hindi umano ito welcome sa kanyang bahay sa Ormoc o sa US at hindi din umano ito pinakilala sa kanila ng kanyang anak

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Diretsahang sinabi ng ina ng basketbolistang si Robert Bolick na hindi niya gusto ang babaeng napangasawa ng kanyang anak. Hindi umano ito welcome sa kanyang bahay sa Ormoc at sa US.

Ina ni Robert Bolick, sinabing nagpakasal ang anak nila nang hindi nila ala
Robert Bolick (@babesbolick)
Source: Instagram

Sa komento ng ina ng ni Bolick sa isang Facebook post ng digital newspaper na Philippine Star, sinabi niyang hindi nila alam na ikakasal ang kanilang anak at hindi umano ito pinakilala sa kanila.

Read also

Cristy Fermin kay Kakie Pangilinan: "Nakapagtataka talaga ang mga ginagawa ni Kakie"

He get married without telling his parents what a shame I don’t like this girl and she is not welcome in my house either in ormoc or in the US i don’t even know what kind of a woman she is he never introduced to us this woman

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang maging ang kapatid na babae ni Bolick ay nagpahayag din dati ng kanyang pagtutol sa relasyon ng kanyang kapatid. Sinabi nito na tanging ang dating karelasyon ng kapatid na si Aby Maraño ang kanyang ituturing na sister-in-law.

Matagal na naging magkarelasyon sina Robert at Aby kaya marami ang nagulantang sa post ng basketbolista kung saan kasama nito si Cassandra Yu, ang babaeng kanyang pinakasalan.

Si Robert Lee E. Bolick Jr. ay isang Filipino professional basketball player na naglalaro sa koponang NorthPort Batang Pier ng Philippine Basketball Association. Naging manlalaro sin siya ng San Beda Red Lions sa National Collegiate Athletic Association. Siya ay naglalaro bilang point guard at shooting guard position.

Read also

Robert Bolick, kinasal na sa kanyang kasintahang si Cassandara Yu

Matatandaang naging usap-usapan din ang paglabas ng balitang ikinasal na ang basketbolistang si Scottie Thompson dahil marami ang nabigla na ikinasal ito sa ibang babae.

Bago lumabas ang balita tungkol sa kanyang pagpapakasal ay ang kanyang long-time girlfriend na si Pau Fajardo ang alam ng publiko na kanyang papakasalan matapos nilang ma-engaged.

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel