Harry Roque, alam na umano kung sino ang nagkanulo kay FPRRD

Harry Roque, alam na umano kung sino ang nagkanulo kay FPRRD

- Inihayag ni dating presidential spokesperson Harry Roque na alam na umano nila kung sino ang nagkanulo kay dating Pangulong Rodrigo Duterte

- Kumpirmado na kabilang si Roque sa mga abogado ni Duterte sa pagharap nito sa International Criminal Court (ICC)

- Nilisan ni Roque ang Pilipinas matapos maglabas ng arrest order ang Kongreso laban sa kanya dahil sa contempt

- Nanawagan si Roque sa ICC na linawin muna ang isyu ng hurisdiksyon bago humarap si Duterte para sa confirmation of charges sa Setyembre

Inihayag ni dating presidential spokesperson Harry Roque na alam na umano nila kung sino ang nagkanulo kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Aniya, "Alam na rin natin kung sino ang nagkanulo kay PRRD. Once a TRAITOR, Always a TRAITOR!"

Harry Roque, alam na umano kung sino ang nagkanulo kay FPRRD
Harry Roque, alam na umano kung sino ang nagkanulo kay FPRRD (📷Harry Roque/Facebook)
Source: Facebook

Kumpirmado rin ni Roque na kabilang siya sa mga abogado ni Duterte sa pagharap nito sa International Criminal Court (ICC). Ayon kay Roque, nilisan niya ang Pilipinas matapos maglabas ng arrest order ang Kongreso laban sa kanya dahil sa contempt. Kasama niya sa The Hague sina Bise Presidente Sara Duterte at Senador Robinhood Padilla noong Biyernes bago ang unang pagharap ni Duterte sa ICC.

Read also

Kim Chiu, naiyak sa kanyang mall show kasunod ng kontrobersyal na "dasurv" issue

Sinabi ni Roque na umaasa sila na pipirmahan ni dating Pangulong Duterte ang kanilang pag-apela bilang mga abogado kasama si Nicholas Kaufman at Bise Presidente Inday Sara upang makilala rin bilang tagapagtanggol ng kanyang ama.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nanawagan din si Roque sa ICC na magpasya muna hinggil sa isyu ng hurisdiksyon bago humarap si Duterte para sa confirmation of charges sa Setyembre. Ayon kay Roque, mahalaga ang confirmation of charges, lalo na sa pagtalakay ng mga elemento ng krimen. Subalit nais nila na mas maagang maresolba ang isyu ng hurisdiksyon.

Binigyang-diin ni Roque na panahon na upang linawin ng korte ang kanilang posisyon sa bagay na ito. Aniya, hindi umano katanggap-tanggap na kilalanin ang hurisdiksyon na nakuha sa pamamagitan ng kidnapping, lalo na sa konteksto ng Pilipinas kung saan ginagamit umano ang korte bilang kasangkapan ng pang-aapi ng administrasyong Marcos.

Si Harry Roque ay isang abogado, dating mambabatas, at dating tagapagsalita ng Malacañang sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Bago pumasok sa politika, kilala siya bilang isang human rights lawyer. Nagsilbi siya bilang kinatawan ng Kabayan Partylist sa Mababang Kapulungan ng Kongreso mula 2016 hanggang 2017. Naging Presidential Spokesperson siya mula 2017 hanggang 2018 at muling bumalik sa parehong posisyon mula 2020 hanggang 2021.

Read also

Honeylet Avanceña, emosyonal na nagbahagi ng kanyang statement

Matatandaang binahagi ni Aiko Melendez ang isang maiksing teaser para sa kanyang video na ibabahagi sa kanyang YouTube channel. Para sa kanyang Lie Detector Challenge, guest niya si Harry Roque na kontrobersiyal kamakailan dahil sa ilang maiinit na isyu. Tinanong ni Aiko si Secretary Roque kaugnay sa kontrobersiyal na panayam ng news anchor na nag-trending sa social media.

Buong tapang na sinagot ni Roque ang mga katanungan ni Aiko kaugnay sa ilang mainit na isyu. Tinawanan lamang niya ang isyu tungkol sa nag-trending na hair flip ni Pinky Webb noong kinakapanayam nito si Roque. Nang tanungin naman kung naniniwala siya sa kakayahan ng bise presidenteng si Leny Robredo, inamin niyang hindi.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate