The Malacañang Tour ni Toni G, ipinalabas sa kaarawan ni PBBM

The Malacañang Tour ni Toni G, ipinalabas sa kaarawan ni PBBM

- Ipinalabas na ang The Malacañang Tour ni Toni Gonzaga sa kaarawan ni Presidente Bongbong Marcos

- Sa kabila ng dami ng pinagkakaabalahan ng Pangulo, nagpaunlak ito na siya mismo ang sumama na lumibot sa Malacañang

- Bawat sulok ng Palasyo ay kanilang nilibot habang nagbabalik-tanaw si PBBM ng kanilang buhay doon sa pamumuno ng kanyang amang si President Ferdinand Marcos Sr.

- Matatandaang si Toni Gonzaga na ang naging host ng proclamation rally ng UniTeam nina PBBM ay VP Sara Duterte

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ipinalabas na ang pinakaabangan umano ng marami na The Malacañang Tour ni Toni Gonzaga sa kanyang Youtube channel. Itinaon ito sa kaarawan mismo ni Pangulong Bongbong Marcos

The Malacañang Tour ni Toni G, ipinalabas sa kaarawan ni PBBM
Toni Gonzaga kasama ang Presidente ng bansa na si Pangulong Bongbong Marcos
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na naitaon pa umano ito sa kaarawan ni Pangulong Bongbong Marcos na siyang sumama mismo kay Toni sa pag-iikot sa Palasyo.

Read also

Teacher na idinulog sa RTIA dahil nawawala sa Parañaque, natagpuan na

Talagang nagpaunlak ang pangulo na mag-ikot at pinuntahan nila ang bawat sulok ng Malacañang.

Sa kada lugar na kanilang pinupuntahan ay hindi mapigilang magbalik-tanaw ni PBBM ng mga alaala niya sa palasyo noong nanunungkulan pa ang kanyang ama na si Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa tagal umano ng panahon na nanirahan sila roon, doon niya unang nagawa ang ilan sa mga mahahalagang bagay sa kanyang pagkabata tulad ng pagbibisikleta.

Naikwento rin niya ang tungkol sa napapabalitang mga multong nagpaparamdam doon na maging siya ay nakaranas ng kababalaghan.

Kaya naman ganoon na lamang ang pasasalamat ni Toni sa pangulo na talagang naglaan ng oras para ipakita na rin ang itsura ng loob ng Malacañang na muling magiging tahanan niya sa loob ng anim na taon.

Si 'Celestine Cruz Gonzaga-Soriano', o mas kilala bilang si Toni Gonzaga, ay isang Filipina singer, television host, actress, producer, vlogger, at entrepreneur. Siya ang panganay na kapatid ng isa rin sa kilalang aktres, TV host at vlogger na si Alex Gonzaga.

Read also

Basel Manadil, kinompronta ang empleyadong nahuli niyang nagnakaw

Sa kanyang YouTube channel na Toni Gonzaga Studio, nakapanayam niya ang ilan sa mga presidential candidates noong Election 2022.

Ilan sa mga ito ay sina dating Bise Presidente Leni Robredo, Mayor Isko Moreno, Senator Manny Pacquiao at maging ang kauna-unahang panayam noon ni Toni kay PBBM ay doon din napanood sa kauna-unahang pagkakaton.

Sa ngayon, kumpirmado na ang paglipat ni Toni sa AMBS network na pag-mamay-ari ni Manny Villar.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica