Teacher na idinulog sa RTIA dahil nawawala sa Parañaque, natagpuan na

Teacher na idinulog sa RTIA dahil nawawala sa Parañaque, natagpuan na

- Natagpuan na ang teacher na nawawala sa Parañaque na naidulog pa sa Raffy Tulfo in Action

- Setyembre 21 umano nang huling makita ito at nahagip pa ng CCTV na isa umanong lalake ang kasama nito

- Subalit lumipas ang mahigit isang buwan at hindi pa rin umuwi ang teacher na labis na pinag-alala ng kanyang mga kaanak

- Inakala pa ng kanyang kapatid na ang lalaki sa CCTV ay dati nilang landlord sa inupahang bahay subalit hindi pala ito ang lalaking iyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Natagpuan na ang teacher na si Amelia Montemayor matapos ang mahigit na isang linggo nitong pagkawala.

Teacher na idinulog sa RTIA dahil nawawala sa Parañaque, natagpuan na
Amelia Montemayor (Raffy Tulfo in Action/ Amelia Montemayor)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na agad na nagbigay ng update ang pamilya ni Teacher Amelia sa programa ni Senator Raffy Tulfo na Wanted sa Radyo kung saan dumulog pa umano sila para mahanap ang teacher.

Nakausap mismo ni Senator Tulfo ang ina ni Amelia na nagsabing kasama na umano nila ito sa Pangasinan.

Sa kanila umanong pagtatanong-tanong, natunton nila sa Cavite si Amelia kung saan nasundo nila ito sa tulong ng pulisya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dahil dito, napangaralan ni Tulfo si Amelia gayundin ang mga 'anak' na nanonood sa kanilang programa na dapat na nagpapaalam sa mga magulang lalo na kung matagal na mawawala.

Lumalabas na gusto na pala talagang mapag-isa ni Amelia na nais nang bumukod sa kanyang pamilya.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

Matatandaang isa ang programang Raffy Tulfo in Action sa tumutok sa pag-usad ng kaso ng pagkawala rin ng isang babae sa Palawan.

Noong Agosto 5, gumulantang sa publiko ang pagkawala ng 22-anyos na dalagang si Jovelyn Galleno. Sa salaysay ng kapatid nito, 6:30 ng gabi nang araw na iyon, nag-out si Jovelyn na kinumpirma ng kanyang boss sa mall kung saan siya nagtatrabaho.

Nakapag-chat pa umano ito sa kanyang kapatid subalit makalipas ang ilang oras, hindi pa rin ito dumarating sa kanilang bahay. Sa tulong ng ilang kuha niya sa CCTV, nakumpirma nila ang ilan sa mga mga pinatunguhan ni Jovelyn maging ang pagsakay nito sa multicab.

Mahigit tatlong linggo na ang nakalipas, natagpuan ang mga sinasabing buto ni Jovelyn sa lugar na nahalughog na umano sa mga unang oras at araw pa lamang nang siya ay mawala.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel