Andrew Schimmer, labis ang pasasalamat; "Lalabas na ng hospital ang aking asawa"

Andrew Schimmer, labis ang pasasalamat; "Lalabas na ng hospital ang aking asawa"

- Inanunsyo ni Andrew Schimmer ngayong Oktubre 10 na lalabas na umano ng ospital ang kanyang asawa

- Ito ay makalipas umano ang nasa isang taong pagkaka-ospital nito

- Excited na sina Andrew at kanyang pamilya na makita ang reaksyon ng kanyang misis sa paglabas ng ospital

- Labis ang pasasalamat ni Andrew sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa kanila sa kabila ng matinding pagsubok na ito sa kanilang buhay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Masayang inanunsyo ni Andrew Schimmer ang paglabas na umano ng kanyang misis na si Jorhomy sa ospital makalipas ang nasa isang taon.

Andrew Schimmer, labis ang pasasalamat; "Lalabas na ng hospital ang aking asawa"
Andrew Schimmer (helpjorhomytorecover)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na naglabas ng maiksing video ni Andrew ngayong Oktubre 10 para ibahagi ang masayang balita na makakauwi na sila kasama ang kanyang pinakamamahal na asawa.

"Mga kapatid, lalabas na ng ospital ang aking asawa. kaya full force kami ngayon dito sa hospital. Update ko kayo mamaya guys pag nasa ambulance na kami going home para makita niyo 'yung mukha niya habang binabyahe. Excited na kami 'yung facial reaction niya pag sinakay na namin siya sa ambulance," ani Andrew.

Read also

Teacher na idinulog sa RTIA dahil nawawala sa Parañaque, natagpuan na

Andrew Schimmer, labis ang pasasalamat; "Lalabas na ng hospital ang aking asawa"
Andrew Schimmer (The Schimmers)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ito umano ang kauna-unahang pagkakataon na makalalabas ng ospital ang kanyang misis na isang taong naratay sa ospital para kanyang gamutan.

Kaya naman labis-labis din ang pasasalamat ni Andre sa lahat ng mga nagpaabot ng tulong sa kanya para sa kanyang misis na patuloy na bumubuti ang kalagayan.

Sa Ogie Diaz inspires channel mapapanood ang nakakaantig pusong interview ni Ogie kay Andrew Schimmer. Pumalo ito ng nasa mahigit 2 million views ang naturang panayam sa loob lamang ng dalawang araw buhat nang ito'y maisa-ere. Sa pamamagitan din ng panayam na ito, mas lalong naunawaan ng publiko ang pinagdadaanan ng pamilya Schimmer.

Sa 'Showbiz Update' naman na channel ni Ogie Diaz, nabanggit nitong marami ang nais pang tululong sa misis ni Andrew Schimmer na nasa siyam na buwan nang nakaratay sa ospital.

Read also

Aubrey Miles, nabiktima ng mga pickpockets sa pamamasyal sa Paris

Dahil sa marami ang nakapanood ng interview ni Ogie Diaz kay Andrew, dumagsa ang mga nais pang tumulong sa pamilya ng aktor.

"Sa amin nagti-text 'yung iba, nagpi-PM at nagdi-DM na 'pano po namin maibibigay 'yung Gcash kasi nag-exceed na for the month of August," ani Ogie kaya't kinailangang magbigay umano ng panibagong account detail sina Andrew kung saan maari pang ipadala ang mga tulong pinansyal para sa kanyang asawa.

Sa naturang interview, idinetalye ni Andrew ang pag-aalagang ginagawa niya sa misis gayundin sa kanilang dalawang anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel