Basel Manadil, kinompronta ang empleyadong nahuli niyang nagnakaw

Basel Manadil, kinompronta ang empleyadong nahuli niyang nagnakaw

- Ikinalungkot ni Basel Manadil ang natuklasang pagnanakaw ng isa sa kanyang empleyado sa isa sa kanyang mga negosyo

- Sa binahagi niyang video ay pinakita niya ang kanilang naging pag-uusap ng naturang empleyado

- Hindi ito kaagad umamin nang komprontahin siya ni Basel ngunit hindi na ito makatanggi nang sabihin ni Basel na nakita siya sa CCTV

- Nalungkot umano ang vlogger dahil handa naman siyang tumulong sa kanyang mga empleyado ngunit nagawa pa ito sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinompronta ni Basel Manadil ang kanyang empleyado na kanyang nahuling nagnakaw. Hindi ito kaagad umamin nang komprontahin siya ni Basel ngunit hindi na ito makatanggi nang sabihin ni Basel na nakita siya sa CCTV.

Basel Manadil, kinompronta ang empleyadong nahuli niyang nagnakaw
Basel Manadil, kinompronta ang empleyadong nahuli niyang nagnakaw (@thehungrysyrianwanderer)
Source: Instagram

Noong una ay isang beses lang daw niya iyon ginawa. Gayunpaman, ayon kay Basel ay mahigit sampung beses niya na itong ginagawa matapos nilang tingnan ang mga CCTV.

Read also

Aubrey Miles, nalungkot nang matanggal ang Rocket’s Autism Awareness page nila

Nilagay umano nito ang manok sa tangke ng flush ng kanilang CR. Kinalaunan ay napilitan itong magkwento at umamin sa kanyang nagawa.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na vlogger na piniling manirahan sa ating bansa. Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.

Ibinahagi ni Basel ang kanilang muling pagkikita ng kanyang amang isang Syrian National. 10 taon silang hindi nagkita nang personal simula nang mapadpad siya sa Pilipinas noong siya ay 18 taong gulang pa lamang. Dahil sa kaguluhang nangyari sa Syria noon ay nagkahiwa-hiwalay silang magpapamilya. Kaya naman, walang mapagsidlan ang tuwa ng mag-ama sa muli nilang pagkikita.

Kamakailan ay binahagi ng vlogger na mas kilala bilang si Hungry Syrian Wanderer ang video ng pagdala niya sa kanyang partner sa ospital para sa panganganak nito. Hindi nito maitago ang kanyang excitement at kasiyahan habang hinihintay niyang maisilang ang anak nila. Naluha ito nang masilayan niya sa unang pagkakataon ang kanyang panganay na isang baby boy. Bumuhos ang pagbati para kay Basel na kahit hindi dugong Pinoy ay malapit sa mga Pinoy dahil sa kanyang mga vlog.

Source: KAMI.com.gh

Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel