Basel Manadil, emosyonal sa pagkasilang ng kanyang anak

Basel Manadil, emosyonal sa pagkasilang ng kanyang anak

- Binahagi ng vlogger na si Basel Manadil o mas kilala bilang si Hungry Syrian Wanderer ang video ng pagdala niya sa kanyang partner sa ospital para sa panganganak nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Hindi nito maitago ang kanyang excitement at kasiyahan habang hinihintay niyang maisilang ang anak nila

- Naluha ito nang masilayan niya sa unang pagkakataon ang kanyang panganay na isang baby boy

- Bumuhos ang pagbati para kay Basel na kahit hindi dugong Pinoy ay malapit sa mga Pinoy dahil sa kanyang mga vlog

Naluha si Basel Manadil o mas kilala bilang si Hungry Syrian Wanderer nang una niyang masilayan ang kanyang anak. Hindi nito maitago ang kanyang excitement at kasiyahan habang hinihintay niyang maisilang ang kanyang panganay.

Basel Manadil, emosyonal sa pagkasilang ng kanyang anak
Basel Manadil, emosyonal sa pagkasilang ng kanyang anak (@thehungrysyrianwanderer)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Nico Bolzico, nagpahiwatig tungkol sa pagsilang ng ikalawang anak

Kahit pagod galing sa trabaho ay matiyaga niyang binantayan ang kanyang mag-ina. Hindi naman naisilang nang normal ang kanilang anak kaya kinailangang sumailalim sa Cesarean delivery ang kanyang partner na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya naipapakita ang mukha sa kanyang mga vlogs.

Bumuhos ang pagbati para kay Basel na kahit hindi dugong Pinoy ay malapit sa mga Pinoy dahil sa kanyang mga vlog:

Congratulations! I was crying when your baby came out ! I'm happy for you and your wife. Time to introduce your new family.
I was in tears the moment I heard the baby's first cry. I remembered my own CS experience. I had two. Both were difficult but very fulfilling. Congrats to you and your wife! She's precious, exceptional, and strong.
Ang sarap sa feeling pag marinig muna ang unang iyak ng anak mo. Congrats to the new parents.

Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na vlogger na piniling manirahan sa ating bansa. Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.

Read also

Bianca King, buntis na sa unang anak nila ng mister na si Ralph Wintle

Kamakailan ay nagbahagi siya ng P10,000 sa mga vendor na tumulong sa kanya. Ibinahagi niya ito sa kanyang YouTube channel. Marami din ang naantig sa pagtulong ni Basel sa isang pedicab driver na isa ding PWD.

Ibinahagi ni Basel ang kanilang muling pagkikita ng kanyang amang isang Syrian National. 10 taon silang hindi nagkita nang personal simula nang mapadpad siya sa Pilipinas noong siya ay 18 taong gulang pa lamang. Dahil sa kaguluhang nangyari sa Syria noon ay nagkahiwa-hiwalay silang magpapamilya. Kaya naman, walang mapagsidlan ang tuwa ng mag-ama sa muli nilang pagkikita.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate