Bianca King, buntis na sa unang anak nila ng mister na si Ralph Wintle

Bianca King, buntis na sa unang anak nila ng mister na si Ralph Wintle

- Ibinahagi ni Bianca King ang picture niya kung saan makikita ang kanyang baby bump kasabay ng kanyang pagsasapubliko ng tungkol sa pagbubuntis niya

- Aniya, sa kanyang edad na mid-late 30s ay hindi na siya umasang mabubuntis sa natural na pamamaraan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Naisipan na umano niyang sumailalim sa in vitro fertilization ngunit nasorpresa sila na nagdadalang-tao na siya

- Bumuhos ang pagbati para kina Bianca at kanyang mister na si Ralph Wintle na kasalukuyang naninirahan sa Sydney, Autralia

Buntis na si Bianca King sa unang anak nila ng mister na si Ralph Wintle. Ito ay binahagi niya Bianca sa kanyang Instagram post kalakip ng picture nilang mag-asawa at ang pagpapakita niya ng kanyang baby bump.

Bianca King, buntis na sa unang anak nila ng mister na si Ralph Wintle
Bianca King, buntis na sa unang anak nila ng mister na si Ralph Wintle (@bianca_king)
Source: Instagram

Ayon kay Bianca, sa kanyang edad ay hindi na siya umasa na mabubuntis sa natural na pamamaraan at nag-iisip na na sumailalim na lamang sa in vitro fertilization. Gayunpaman, hindi nila inasahan na magaganap ang aniya'y natural miracle sa kanilang mag-asawa.

Read also

Fumiya Sankai, ibinida ang picture nila ng anak ni Yamyam na inaanak niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

It was a long journey to get here. It was not easy - being in our mid-late 30s. I mentally gave up and was about to do IVF. But surprise! A natural miracle happened.

Bumuhos ang pagbati para kina Bianca at kanyang mister na si Ralph Wintle na kasalukuyang naninirahan sa Sydney, Autralia.

Si Bianca King ay isang aktres na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa mga teleseryeng Sinner or Saint (2011), Mulawin (2004), Luna Blanca (2012) at Maghihintay Pa Rin. Napanood din siya sa Kapamilya teleseryeng Pusong Ligaw at Halik.

Isa si Bianca sa mga taong unang nakaalam tungkol sa pagbubuntis noon ni Sofia Andres na hindi kaagad nito pinaalam sa publiko. Nilinaw naman ni Bianca ang kanyang dahilan kung bakit minabuti niyang huwag magsalita tungkol dito. Naibahagi ni Bianca ang kanyang pangingibang-bansa at pagpapahinga mula sa showbiz.

Read also

Andrew Schimmer, naghihintay na lang ng clearance para maiuwi ang asawa

Masayang isinapubliko ni Bianca ang isang mahalagang pangyayari sa kanyang buhay. Ikinasal na siya sa mismong living room ng bahay nila sa Australia kung saan siya kasalukuyang nanirahan. Matatandaang noong buwan ng Agosto taong 2020 nang isapubliko ni Bianca ang tungkol sa kanyang pangingibang bansa. Bumuhos naman ang pagbati sa aktres mula sa mga netizens a sa kanyang kasamahan sa showbiz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel