Video ng pag fist bump ni Mayor Vico Sotto kay VP Leni Robredo bilang pagsalubong, viral

Video ng pag fist bump ni Mayor Vico Sotto kay VP Leni Robredo bilang pagsalubong, viral

- Viral ang video ng pag fist bump ni Pasig Mayor Vico Sotto kay Vice President Leni Robredo sa courtesy call nito sa kanya bago ang PasigLaban

- Ginanap sa nasabing lungsod ang People's rally na dinaluhan ng nasa 137,000 na supporters ng grupo nina Robredo

- Sinasabing ito ang pinakamalaking bilang ng mga dumalo sa mga naisagawa nang campaign rally ng 'Leni-Kiko tandem'

- Matatandaang minsan nang pinuri ni VP Leni ang pamumuno ni Mayor Vico sa kanyang lungsod

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mabilis na nag-viral ang video ng pag fist bump ni Pasig City Mayor Vico Sotto kay Vice President Leni Robredo.

Nalaman ng KAMI na naganap ito nang mag-courtesy call ang bise-presidente bago ang PasigLaban campaign rally ng grupo niya sa lungsod na pinamumunuan ni Sotto.

Video ng pag fist bump ni Mayor Vico Sotto kay VP Leni Robredo bilang pagsalubong, viral
Video ng pag fist bump ni Mayor Vico Sotto kay VP Leni Robredo bilang pagsalubong, viral (Robredo Campaign Team)
Source: UGC

Dahil dito, humanga lalo ang mga netizens sa kagandahang asal na umano'y ipinamalas ni Mayor Vico.

Read also

VP Leni Robredo sa umano'y Php1000 na bayad sa mga Kakampink: "Please help us report"

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Dapat makita ito ng kabataan, pulitika man o hindi pero nagpapakita ito ng values na dapat pahalagahan hanggang ngayon"
"Well-raised. Mabuting ehemplo po kayo Mayor Vico"

Matatandaang minsan na ring napuri ni VP Leni si Mayor Vico sa kahusayan ng pamumuno nito sa kanyang lungsod.

Nilarawan niya itong 'tutok', 'proactive' at 'involved' sa mga proyekto nito sa Pasig.

Samantala, narito ang video na naibahagi rin ng TikTok page na madamfreshident:

Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay misis ng namayapa na na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak.

Oktubre 7 nang inanunsyo na ni Leni ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na Eleksyon 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.

Read also

Ariana Grande, nai-share sa kanyang IG story ang crowd ng Pasig rally ng mga Kakampink

Nito lamang Marso 20, dinaluhan ng 137,000 na mga supporters nilang Kakampink ang People's rally ng kanilang grupo sa Pasig City. Ito umano ang pinakamalaking bilang na naitala sa isang pagtitipon mula sa lahat ng naging campaign rally na kanilang naisagawa.

Dahil dito, taos-pusong pinasalamatan ng bise-presidente ang lahat ng nakiisa lalo na ang organizers at performers na boluntaryong sumuporta sa kanila.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica